CAFGU Intel sa Guihulngan, Parusang Kamatayan Ipinatupad
Tagumpay na ipinatupad ng LPC-NPA ang parusang kamatayan kay Eloi Malig-on ng sityo Punong, Brgy. Trinidad, Guihulngan noong Marso 17, 2019 alas 6:30 ng gabi sa nasabing lugar.
Si Eloi Malig-on kilala sa lugar na isang mabangis na kasapi ng CAFGU sa paghahabol ng mga rebolusyonaryong masa at mga kasapi ng CPP-NPA. Diumano’y tumigil na sa kaniyang trabaho bilang CAFGU matapos ng ilang beses na pagbabala ng NPA sa kaniya. Ngunit sa likod nito patuloy siyang nakakatanggap ng kantidad katumbas ng kaniyang suhol sa paniniktik sa mga aktibidad ng mga indibidwal, rebolusyonaryong pwersa at buong rebolusyonaryong kilusan. Nananakot sa mga residente at makinarya din ng militar sa pangungumbinsi sa mga residente na sumuko. Siya rin ang naglilista ng pangalan ng mga indibidwal kasama sa 94th IBPA Peace and Development Team at isusumite sa mga matataas na opisyal ng AFP sa pamamagitan ng Detachment Commander ng nasabing CAFGU detachment.
Legitimate military target ng NPA si Eloi bilang aktibong kasapi ng CAFGU ilalim sa 12th IBPA “Kadre Battalion. Malaki ang kinalaman ni Eloi Malig-on sa malupit at madugong Synchronized Enhanced Managing Police Operation/Oplan Sauron ng AFP CentCom at Police Regional Office-7 noong Disyembre 27, 2018. Ito ang kumitil sa anim na mga sibilyan katulad ni Jun Kubol, Jimmy Revilla, Jimmy Pat, Reneboy Pat at iba pa, halos 50 ang ilegal na inaresto at pinakulong nito sa pamamagitan ng itinanim na mga armas at gawa-gawang kasong kriminal, pagransak, pagnanakaw ng mga kagamitan at pera ng mga magsasaka at pagkadisloka ng kabuhayan ng daan-daang residente. Naapektuhan din ang pag-aaral ng daan-daang mga kabataan at sinunog ang mga kabahayan.
Habang hindi nakakamit ng mga biktima ang karampatang hustisya, ang LPC-NPA ay hindi rin titigil sa paniningil sa may mga kagagawan katulad ng AFP, PNP at iba pang mga force-multiplier na mga Barangay Peace Action Team at Civil Defense ng Moises Padilla sa pagpanguna ni Mayor Magdaleno “Magsie” Pena at iba pang kilalang pulitiko ng Negros Oriental partikular na sa syudad ng Guihulngan.