Deklarasyon ng Isang Linggong Unilateral na Tigil-Putukan ng Romulo Jallores Command Bagong Hukbong Bayan-Bikol

Mahigpit ang pangangailangan para sa pagkakapit-bisig ng mamamayang Bikolano upang bigyang suporta at tulong ang daang libong napinsala sa pagdaan ng bagyong Tisoy sa rehiyon.

Upang bigyan-daan ang pagpapaabot ng iba’t ibang porma ng ayuda sa mga bayan sa mga ilang prubinsya sa Bikol , idinideklara ng Romulo Jallores Command Bagong Hukbong Bayan – Bikol ang isang linggong unilateral na tigil-putukan sa buong rehiyon.

Magkakaroon ng bisa ang unilateral na tigil-putukan , alas-dose ng madaling araw, ngayong Disyembre 6 at magtatapos Disyembre 12, 2019 11: 59 pm.

Magsagawa ang lahat ng larangang gerilya, rebolusyonaryong organisasyong masa at mga organo ng mga kapangyarihang pampulitika ng kampanya para sa mga naaangkop na serbisyong panlipunan para sa mga binayo ng bagyong Tisoy.

Sa mga Larangang relatibong nakaligtas sa kapinsalaan , makakatuwang ang paglilikom ng materyales at iba pang tipo ng tulong na maaaring ipadala sa mga biktima ng bagyo kapwa sa kanayunan at kalunsuran.

Pananatilihin ng mga Yunit Kumand sa buong rehiyon ang postura ng aktibong dipensa sa panahong saklaw ng unilateral na tigil-putukan. Hindi maglulunsad ng taktikal na opensiba sa panahong saklaw ng tigil-putukan, ngunit mapagpasyang haharapin ng mga yunit ng bagong hukbong bayan sa buong rehiyon ang mga patraydor na operasyong militar upang ipagtanggol ang sarili sa tiyak na kapahamakan.

Gayundin, marapat na pigilan ng Bagong Hukbong Bayan ang mas mabagsik pa, kesa anumang kalamidad na pananalasa ng militarisasyon sa kanayunan, upang ipagtanggol ang buhay at kabuhayan ng malawak na masang-anakpawis.

Tiyak na sasagpangin ng AFP-PNP at CAFGU, sa ilalim ng Joint Task Force Bicolandia ang pagkakataong ito para sa kanilang gyera laban sa pagkakaisa ng mamamayan.

Nananawagan ang Romulo Jallores Command Bagong Hukbong Bayan-Bikol sa mga makabayan at tapat na lingkod-bayan na kagyat na tugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo hanggang sa kanayunan.

Hindi mabibigyan ng kalutasan ng militarisasyon ang ligalig na idinulot ng bagyong Tisoy sa mga mamamayan. Makakaasa ang lahat na nagnanais na magpadala ng tulong sa komunidad na titiyakin ng mga yunit Kumand na makakarating sa mga masang anak-pawis ang kanilang mga padala.

Nananawagan ang Romulo Jallores Command Bagong HUkbong Bayan-Bikol sa lahat ng mamamayang Bikolano na ipagpatuloy ang diwa ng sama-sama at kapit-bisig na pagtutulungan at pagbangon sa gitna ng sakuna.

Magkaisa para sa lahat ng biktima ng kalamidad!
Magtarabangan para sa namamanwaan!

Sundan and audio format sa: https://audiomack.com/song/gintong-silahis/rjc-ceasefire-declaration

Deklarasyon ng Isang Linggong Unilateral na Tigil-Putukan ng Romulo Jallores Command Bagong Hukbong Bayan-Bikol