Desperadong pagpapatupad nina 2nd IBPA Lt. Col. Napoleon Pabon, PNP Masbate P/ Lt.Col. Arne V. Oliquiano, 9th IDPA Maj. Gen. Fernando Trinidad at P/Brig. Gen. Arnel B. Escobal sa E.O. 70 at M.O. 32 sa probinsya ng Masbate na nagresulta sa malawakang paglabag sa karapatan pantao at malawakang pagkawasak sa normal na pagsasaka ng mga magsasakang Masbatenyo

Kaisa ng mamamayang Masbatenyo ang Bagong Hukbong Bayan- Masbate(Jose Rapsing Command) sa pagkondena sa malawakang pananalasa ng Joint Task Force AFP/PNP sa pagpapatupad ng Oplan Kapanatagan na nakaayon sa E.O. 70 at M.O. 32 sa buong probinsya ng Masbate.

Sa paghahabol ng pasistang AFP at PNP ng pasistang diktadura at tiranikong rehimeng US-Duterte na bago magtapos ang 2019 ay manyutralisa ang rebolusyonaryong kilusan sa probinsya na Masbate ay mas napapasama lalo ang imahe ng mga kasundaluhan at kapulisan dahil sa kanilang pangdadahas at pagpatay sa mga inosenteng sibilyan. Sinasabi nilang mababawi na nila ang suporta ng masang Masbatenyo pero ang katotohanan ay mas naitutulak ang mamamayan na tahakin ang landas ng armadong pakikibaka dahil sila mismo ang nagtutulak na kamtin ng mamamayang Masbatenyo ang hustisya na makakamit lamang ito sa pamamagitan ng armadong pakikibaka.

Nasa diktadura at teranikong rehimeng US-Duterte ang lahat na rekurso ng burukrasya dahil ligal nitong binabaluktot ang batas maging ang pagpapataw ng mga anti-mamamayang polisiya na katulad ng Train Law na nagpapataas ng buwis sa taong bayan habang naililibre ang mayayamang angkan at negosyante na naka angkas sa kanyang administrasyon. Sa kabila ng suporta ng mga imperyalistang bansa sa kanya ay nangangapa pa rin si Duterte kung paano tatalunin ang rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa, kung naman ginagawa niya ang lahat ng pamamaraan katulad ng pagpapalabas niya ng E.O. 70 at M.O. 32 sa mga rehiyon sa Bikol, Samar at Negros Island na mala-batas militar ang pagpapatupad nito. Tulad sa ginagawa sa Negros Island, Masbate, Cam Norte at iba pang probinsya sa kabilikolan at sa Samar na dinadahas ang mga magsasaka sa kanayunan at naaantala ang pagtatanim ng palay at mais dahil sa patuloy na militarisasyon at pagpatay sa mga inosenteng sibilyan.

Simula Enero hanggang nitong Oktubre 2019 ay nananalasa ang pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP sa buong probinsya ng Masbate. Sa tabing ng anti-insurhensyang programa na Community Support Program (CSP) na dating tinatawag na Peace and Development Team(PDT) ay pinoporohan nito ang mga bayan ng San Fernando(1st District), Masbate City, Baleno at Aroroy(2nd District) at Cawayan(3rd District). Nakararanas ang mga opisyal sa baryo sa mga bayan na ito ng pananakot at pagbabanta na papatayin kung di nila idedeklarang “persona non grata” ang CPP/NPA/NDF sa pamamagitan ng pagpapalabas ng barangay resolution.

Habang ang mga inosenting sibilyan naman ay sapilitang pinapapirma sa papel bilang mga sumukong NPA. Ang mga di sumusunod ay otomatikong binabantaan at tinatakot na papatayin dahil sila ay mga kasapi umano ng NPA.

Samantala sa bayan ng Cawayan sa ikatlong distrito ng lalawigan ay nagbabalak ang 2nd IBPA at PNP Masbate na magsagawa ng karaban para iparada ang mga pinasuko nilang NPA na pawang mga sibilyan mula sa mga baryo ng Dalipe, Calumpang, Palobandera, Itombato, Pin-as at Guiom. Nais nang 2nd IBPA at PNP Masbate na ibandera sa sentrong bayan ng Cawayan at ipangalandakan na marami na silang napasukong NPA.

Ang ganitong balakin ng 2nd IBPA at PNP Masbate ay malaking insulto sa intelihensiya ng mamamayan ng Cawayan, lalong-lalo na sa mga opisyal ng bayan ng Cawayan na sila ay paglaruan ng mga sundalo at pulis na palalabasing malaking bilang ng NPA ang sumuko na sa katotohanan ay isang malaking bulto ng mga sibilyan mula sa iba’t-ibang baryo na tinakot at pinagbantaan.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mamamayang Masbatenyo na magpakatatag sa delubyong resulta ng patuloy na militarisasyon at pangdadahas ng mga kasundaluhan at kapulisan.Patuloy na ipaglaban ang karapatang mamuhay ng tahimik at nananawagan ang JRC BHB Masbate sa mga opisyal ng probinsya at mga bayan na tulungan ang mamamayang nabibiktima ng paglabag sa karapatan pantao. Kasuhan at ipakulong ang mga sundalo at pulis na gumagawa ng paglabag at ang mga kriminal na mga sundalo at pulis na pinapatay ang mga inosenting sibilyan sa pamamagitan ng EJK na sila mismo ang handler sa mga DDS na naglilipana sa buong kabikolan.

Mamamayang Masbatenyo sumanib sa BHB at isulong ang armadong pakikibaka para sa hustisya at katarungan.

 

Desperadong pagpapatupad nina 2nd IBPA Lt. Col. Napoleon Pabon, PNP Masbate P/ Lt.Col. Arne V. Oliquiano, 9th IDPA Maj. Gen. Fernando Trinidad at P/Brig. Gen. Arnel B. Escobal sa E.O. 70 at M.O. 32 sa probinsya ng Masbate na nagresulta sa malawakang paglabag sa karapatan pantao at malawakang pagkawasak sa normal na pagsasaka ng mga magsasakang Masbatenyo