Digmaan sa Propaganda: Laging mananaig ang katotohana laban sa mga kasinungalingan ni Duterte
Isang upisyal militar ang naiulat na umaming nadadaig ang rehimeng Duterte sa digmaan sa propagandang laban sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at rebolusyonaryong pwersa. Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, ipinahayag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo na “pinagsamantalahan at nilinlang (ng CPP-NPA) ang mamamayan sa loob ng 50 taon.”
Kay Monteagudo, ito ang aming masasabi: ang CPP, ang NPA at lahat ng
rebolusyonaryong pwersa sa Pilipinas ay hindi makayayabong sa nagdaang 50 taon kung hindi ito nagsasabi ng katotohanan na sumasalamim sa obhetibong kalagayan ng mamamayang Pilipino. Hindi ito lalago o makapagpapatuloy kung hindi nito inihahayag ang sentimyento at mithiin ng mamamayan.
Nagsasalita ang mga rebolusyonaryong pwersa ng obhetibong katotohanan na pilit itinatago ni Duterte. Hinggil sa laganap na pagpatay, arbitraryong pag-aresto, at malalang pag-abuso sa karapatang-tao ng mga pwersa ng militar at pulisya laban sa mahihirap na mamamayan sa ilalim ng Martial Law. Hinggil sa kawalan at pangangamkam ng lupa ng magsasaka at mamamayang minorya. Hinggil sa nagpapatuloy na krisis ng lokal na ekonomya at padausdos na kalagayang panlipunan ng masa. Hinggil sa kawalan ng hanapbuhay, mababang sahod, aping kalagayan sa paggawa, mataas na halaga ng bilihin, at pasaning buwis. Hinggil sa kataksilan at pambebenta ni Duterte. Paano nya pinapaburan ang malalaking negosyo at oligarkiya, may-ari ng malalaking plantasyon at kumpanya sa pagmimina. Paanong si Duterte at ang kanyang mga kasapakat ay patuloy na nakakapagkamal ng di maipaliwanag na yaman. Ang kanyang ambisyong maging isa pang Marcos at paano niyang kinatatakutang humantong sa kulungan. Ang galit na mamamayan at ang
kanilang determinasyong isulong ang armadong pakikibaka at lahat ng anyo ng paglaban.
Ang totoo, ang rebolusyonaryong kilusan ay patuloy na lumalakas at nakahihikayat ng libu-libo araw-araw dahil nagsasalita ito ng katotohanan tungkol sa pagsasamatala at pang-aapi, pang-aabuso at inhustisya na araw-araw na kinakaharap ng mamamayan. Ang programa ng Partido at kanyang mga deklarasyon ay sumasalamin sa kanilang aspirasyon para sa tunay na kalayaan at demokrasya, tunay na pagbabago at mas mabuting buhay.