Duterte, Hibang na sa Pagpaplanong Durugin ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Hindi lingid sa mamamayang Pilipino ang makailang ulit nang pagpuputak ni Duterte ng pagdurog nito sa rebolusyonaryong kilusan sing-aga pa noong Oktubre 2017 at sinundan noong kalagitnaan ng taong 2018. Dahil sa kabiguang durugin ang diumano’y “iilan” na lamang na Bagong Hukbong Bayan (BHB) ay binawi niya ito noong huling kwarto ng 2018. Hibang ang rehimeng US-Duterte at mga heneral nito sa panibago na namang plano nang pagdurog sa rebolusyonaryong kilusan hanggang sa darating na 2022.
Ipinakita na ng kasaysayan na h indi kailanman madudurog ng sinumang rehimen at mga darating pa ang rebolusyonaryong kilusan hang g a’t nanatili ang pagsasamantala sa mamamayan at mga batayan para isulong ang digmang bayan.
Sa pagpupumilit ni Duterte na durugin ang rebolusyonaryong kilusan ay higit na inilalagay nito sa alanganin at isinusubo ang hanay ng bagong graduate, rank and file na myembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging ang mga paramilitar na CAFGU sa hindi makatarungan paglaban.
Silang lahat ay isinusuong sa gera, gasgasang operasyon kaakibat ng gutom at pagod, habang ang mga de-ranggo na nag-aantay lamang sa mga kampo nito ay tumatabo ng ganansya sa korapsyon mula sa operasyon , intelligence fund , hanggang sa mga gamit militar tulad ng sapatos, bala, baril, at insurance.
Napakalaki din ng kita sa 11,000 diumanong sumurender na NPA, 99% dito ay mga sibilyang pinilit at tinakot.
Higit pang nagiging marahas at nahihibang sa kapangyarihan si Duterte, minadali nitong ipasa ang pinahabang martial law , dagdag pa ang Memorandum Order 32 (MO32) at Executive Order 70 (EO70) na naglalayong dagdagan ang pwersa sa Samar, Negros Island at Bikol at kontrolin ang darating na eleksyon upang tiyakin ang pagkapanalo ng kanyang mga alipores at kasabwat ang mga retiradong heneral at pamilyang Marcos, gahaman na si Gloria Arroyo at kutsabahin sa pangarap nitong chacha at pandarambong.
Kabaligtaran ng kanyang mga pang-aatake at mga komento sa harap ng midya patungkol sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), mataas ang diwa na ipinagdiwang sa iba’t ibang rehiyon at mga larangan sa Pilipinas ang ika-50 taon ng mga malalaking tagumpay ng PKP kasama ang malawak na masang anakpawis.
Ka ilan man ay hindi mapapantayan ng rehimeng US-Duterte ang malaking pag-igpaw sa buhay at kabuhayan ng mamamayang Pilipino sa mga lugar na saklaw ng paggugobyerno sa pamumuno ng PKP. Gayundin, sa gabay ng PKP, natatanaw ng malawak na sambayanan na matatamo nila ang kanilang mga demokratikong karapatan. Pagpapatunay ang repormang agraryo sa anyo ng pamamahagi ng lupa sa maksimum at sa minimum ay ang pagpapababa ng upa sa lupa at resikada.
Sa limang dekadang karanasan ng Partido sa tunay na pagsisilbi sa sambayanang Pilipino tiyak na magagabayan at mapamumunuan nito ang malawak na mamamayan upang durugin ang sistemang malapyudal at malakolonyal.
Mamamayang Sorsoganon, Isulong ang Dakilang Rebolusyon!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!