Gobernador Jose Chavez Alvarez – Wescom sa Palawan, nangunguna sa paglabag sa implementasyon ng UCF ng GRP! — NDF-Palawan
“There will be no suspension of police and military operations to maintain peace and order and to quell any terrorist threat.” Ito ang nakalagay sa Executive Order No. 52 ng Governor’s Office ng Palawan, Series of 2020 na naglalahad ng “Comprehensive Directives For The Full Implementation of the Enhanced Community Quarratine (ECQ) under a “State of Calamity”. Ang probisyong ito ang patunay na insinsero ang Rehimeng Duterte at ang mga alipores nito sa Palawan na tunay na ipatupad ang Unilateral Ceasefire na idineklara ng GRP noong Marso 19. Panlilinlang lamang ang idineklarang ceasefire upang supilin ang mamamayang Palaweño at ang buong bansa at bitagin ang rebolusyonaryong kilusan.
Kabaligtaran ito ng inaasahang pagsuspinde ng mga operasyong militar at pulis sa Palawan na siyang dapat ng maging hakbangin ng gubyerno pagkatapos ng deklarasyon ng UCF ng GRP. Ang resolusyon ni Alvarez ay patunay na pakitang-tao lamang ang UCF at ginagamit lamang ang epidemyang Covid-19 upang bigyang katwiran ang lumalala at tumitinding pasismo sa bansa! Hindi maitatago ang pagbabalatkayo ng reaksyunaryong gubyerno sa pangunguna ni Duterte-Alvarez–AFP/PNP ang paghahangad na mailatag nang buo ang batas militar sa buong bansa. Ang mga militaristang lockdowns at checkpoints ay pantakip lamang sa malaking kakulangan sa serbisyong panlipunan lalo na sa usaping pangkalusugan at nutrisyong kinakailangan ng taumbayan. Naligalig ngayon ang sambayanan hindi lamang sa isteryang mahawa sa sakit na Covid-19 kundi pangunahin ng malawakang kawalan ng hanapbuhay na nagreresulta sa kagutuman. Higit nitong pinabababa ang resistensya at ginagawang mas bulnerable ang maralitang mamamayan sa sakit na COVID-19.
Kinukundina ng NDFP-Palawan ang resolusyong ito ni Alvarez at ang tuloy-tuloy na operasyong militar sa Palawan alinsunod sa pekeng UCF ng GRP. Hindi ang kamay na bakal o ang mga pasistang pananalakay ng AFP/PNP sa kanayunan ang magreresolba sa problema sa Covid-19! Patuloy na igiit ang kagalingang pangkalusugan sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal para sa lahat, libreng test kits at palakasin ang kampanya sa sanitasyon at nutrisyon para sa mamamayan.
Nananawagan ang NDFP-Palawan na magkaisa ang mamamayan upang hanapan ng solusyon ang pandemic na Covid-19. Singilin ang rehimeng Duterte at si Governor Alvarez sa mga inutil at pasistang hakbangin sa pagresolba sa COVID-19. Kailangang ilantad at labanan ang patraydor na mga atake laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan na itinatago ng deklarasyong UCF. Sa harap ng mga pasistang atake sa rebolusyonaryong kilusan sa Palawan, gagawin ng demokratikong gubyernong bayan sa isla ang lahat nang makakapaya para pakilusin ang mamamayan laban sa Covid-19. Nananawagan ang NDFP-Palawan sa mga LGUs at manggagawang pangkalusugan na makipagtulungan upang masansala ang paglaganap pa ng Covid-19. Sa harap ng kapabayaan ni Duterte, nasa ating pagkakaisa at pagtutulungan mareresolba ang krisis na ito.
Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!
Mabuhay ang nakikibakang mamamayan!
Mabuhay ang demokratikong rebolusyong bayan!