Hinggil sa 10.1% Inflation
Kinukundena ng NDF-Bikol ang pagpatuloy ng rehimeng US-Duterte ng mga patakarang pang-ekonomyang neoliberal na nagdudulot ng sa harap ng papalubhang krisis sa ekonomya ng bansa. Idinulot ng patuloy na pagpapatupad ng rehimen ng mga patakarang neoliberal sa ekonomya ang walang kaparis na paghihirap ng sambayanan. Tuluy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin habang nananatiling mababa ang sahod ng karaniwang mamamayan. Sa lahat ng rehiyon sa kasalukuyan, Kabikulan ang nakararanas ng pinakamataas na implasyon o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin na pumalo na sa 10.1%. Samantala, mula 6.4% noong nakaraang buwan, umabot na rin sa 6.7% ang tantos ng implasyon sa buong bansa – pinakamataas sa halos isang dekada.
Ibinunga ng ilang dekadang pagpapatupad ng mga neoliberal na patakaran ang labis na pagkalumpo ng ekonomya. Higit na nararamdaman ngayon ng masa ang epekto ng kawalan ng kapasidad ng bansa sa lokal na produksyon, pagsalig sa pag-aangkat ng mga produkto at kawalan ng suporta ng estado sa lokal na produksyon. Iilang malalaking kapitalista at kartel lamang ang may kontrol sa kalakhan ng produksyon, distribusyon at ng mga produkto at pagpresyo sa merkado. Lalo Labis pa itong pinapalala ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Program (TRAIN) na nagpapataw ng buwis sa mga produktong petrolyo at gatong na uling at magkaroon ng epektong pagtaas sa mga pangunahing bilihin ng masa. Gayundin, may dagdag pang epekto ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na sa kasalukuyan ay pinapatawan din ng excise tax at dagdag pang VAT sa ilalim ng TRAIN. Ibinubunga ng pagtaas ng buwis sa langis at gatong na uling ang sala-salabat na epekto sa mga presyo ng bilihin dahil sa estratehikong halaga nito sa produksyon at distribusyon.
Halimbawa sa Kabikulan, bagamat may labis na produksyon ng bigas, nagkukulang ang suplay dahil kinukontrol ng mga kapitalista ang distribusyon nito upang magkamal ng higit pang tubo sa maipagtulak ang ibayo pang pagtataas ng presyo. Samantala, kulang kabilang ang suplay ng NFA rice na nanggagaling sa gubyerno ang minamanipula ng malalaking mamimili at kartel sa bigas na siyang dahilan ng artipisyal na kakulangan. pinipilahan at abot-kaya ng karaniwang mamimili. Kasabay na nagmahal ang iba pang mga pangunahing konsumo, tulad ng gulay at karne, dahil sa epekto ng TRAIN.
Kasinungalingan ang ipinangangalandakan ng rehimeng US-Duterte na liberalisasyon at deregulasyon ang solusyon sa kakulangan ng suplay ng mga produkto sa bansa at sa pagtaas ng presyo ng bilihing bunsod ng kakulangang ito. Ibayong wawasakin ng ibayong pagluluwag sa importasyon at pagbibigay-laya sa mga kapitalistang mag-angkat ng produkto ang dati nang mabuway na ekonomya ng bansa. Sa kasalukuyan, pilit itinutulak ng rehimeng US-Duterte ang higit na liberalisasyon sa kalakalan at pamumuhunan partikular ang ibayong pagluluwag sa importasyon ng bigas at ibang produktong agrikultural. Iginigiit ng mga upisyal ng gubyerno ang pagtatanggal ng quantitative restriction o ang paglilimita sa maksimum na bolyum ng bigas na maaaring i-angkat sa ng bansa upang bigyang daan ang direkta at dereguladong pag-aangkat ng malalaking kapitalista ng bigas. Ibubunga nito ang ibayong pagkalugmok ng kabuhayan ng milyun-milyong maliliit na magsasakang tatamaan ng pagbaha ng mga inangkat na produktong agrikultura kabilang ang bigas. Ganoon din, malulugi ang sa pagkalugi ng maliliit na lokal na prodyuser at higit malulumpo ang lokal na industryalisasyon.bunsod ng pagbaha ng i-aangkat na mga produkto.
Naninindigan ang NDF-Bikol na ang solusyon sa papalubhang krisis sa ekonomya ng bansa ay ang pagtatakwil ng mga neoliberal na patakaran at ang pagpapatupad ng mga sosyoeonomikong repormang tunay na maglilingkod sa pambansang industriyalisasyon at pagpapaunlad ng agrikultura ng Pilipinas. Sa kagyat, dapat magkaisa ang mamamayan sa pagsusulong ng pagbabasura sa TRAIN at sa buong Comprehensive Tax Reform Package (CTRP). Dapat tumindig ang mamamayan upang pigilan ang pagpapatupad sa iba pang mga batas at patakarang nagpapasahol ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon na nais itulak ng gubyernong Duterte. Dapat magkapirmahan sa dokumentong CASER na ihinanda ng negosyador ng GRP-NDFP sa usapang pangkapayapaan at matapat na ipatupad ang nilalaman nito.