Hinggil sa nagpapatuloy na operasyong militar ng 24th IB sa Abra
Kahit na nagdeklara na ng ceasefire ang parehong kampo ng CPP-NPA-NDF at ng GRP, nanatili pa rin ang operasyon ng mga tropa ng 24th IB sa probinsya ng Abra. Nanatiling mayroong presensya ng AFP, partikular ang 24th IB, sa mga bayan ng Malibcong, Pilar, Lacub, Sallapadan, Tubo, at Villaviciosa.
Kahapon, sa bayan ng Lacub, mayroong hindi nagtuloy na mga masa sa kanilang sitio dahil sa takot sa operasyon ng militar sa kanilang erya. Bagaman mayroong “nag-pull out” kagabi, may mga naiwan pa ring pwersa ng 24th IB na nagpapatuloy ng kanilang operasyon.
Sinsero ang kagustuhang sumunod ng Agustin Begnalen Command (NPA Abra) sa ceasefire na idineklara ng panig ng NDFP. Hinahamon ng NPA Abra at ng mamamayan ng Abra na nagdeklara ng Suspension of Military Operations (SOMO), mag-pull out ng mga sundalo, at nag back to barracks.