Hinggil sa pahayag ng pagpapasurender ng tagapagsalita ng 5th ID
1. Mga fake surender ang sinasabing maraming nag surender ng 5th ID, ni hindi nga nila mapangalanan. Sila ang mga masang inobligang pumunta sa kampo, pinilit at tinatakot na pumirma para magsurender. Sila ay hindi NPA kundi karaniwang mga magsasaka.
Tatak ng desperasyon ng AFP na targetin sa pagpapasurender ang mga sibilyan.
Sa takbo ng rebolusyon, totoong may ilang nagsusurender at tuluyang nagpapagamit at ginagamit ng AFP katulad ni Pukol, Richard at Steve. Kinasusuklaman at itinakwil na sila ng mamamayan.
2. Propaganda lamang ng 5th ID ang mga deklarasyon ng persona non grata ang CPP-NPA. Dahil pinapahalagahan ng mamamayan ang CPP-NPA malayang nakakakilos ito saan man. Ang mga LGU ay naobliga at pinilit na magdeklara dahil maging sila ay target ng pampolitikang persekusyon ng diktadurang rehimen ni Duterte.
3. Mga ginoo sa 5th ID, hindi sumusuko ang mga magigiting na mandirigma ng NPA. Walang dapat isuko sa lipunang nabubulok sa kaibuturan. Hindi namin isusuko ang marangal at dakilang paglaban para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Isang kahihiyan ang magsurender dahil isinusumpa ng mamamayan ang mga traydor sa uring-api.
Hindi kailanman matutumbasan ng ECLIP at iba pang suhol katulad ng libreng pasyal sa Hongkong, pabuya at ibapa ang dakilang tungkulin ng mga rebolusyunaryo.