Huling mga Atake ng Rehimeng Duterte sa Buwan ng Hunyo, Binigwasan at Binigo ng BHB! Rebolusyonaryong Hustisya Nakakamit ng Mamamayang Mindoreño!

,

Binigwasan at binigo ng mga yunit ng Lucio de Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC-NPA-Mindoro) ang huling malakihang operasyong inilunsad ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA sa isla ng Mindoro noong buwan ng Hunyo. Hindi lamang pinagod at pinasuntok sa hangin ang mga mersenaryo’t pasistang pwersa, binigwasan pa ito ng BHB.

Pinagpupugayan ng mamamayang Mindoreño ang matagumpay na pananambang na inilunsad ng isang yunit ng LDGC-NPA-Mindoro sa kahabaan ng kalsada sa Sityo Miyahe, Barangay Mambog, Bongabong, Oriental Mindoro noong Hunyo 8 ng ala-una ng madaling araw.

Lulan ng dalawang six-by-six na truck ang mga tropa ng SAF-PNP at 203rd Brigade nang matagumpay na tambangan ng mga Pulang mandirigma. Tumagal ang labanan ng sampung minuto. Ayon sa kumpirmadong ulat, umabot sa 11 ang kaswalti sa pasistang SAF-PNP kung saan pito (7) ang napatay (KIA) at apat (4) ang nasugatan (WIA). Wala namang natamong kaswalti at ligtas na umatras ang mga Pulang mandirigma.

Inilunsad ng LDGC-NPA-Mindoro ang nasabing aksyong militar para parusahan at singilin ng rebolusyonaryong kilusan ang mga pasistang tropa at bigyan ng hustisya ang higit 126,000 mamamayang Mindoreño na biktima ng tiranikong rehimeng US-Duterte at ng mga kasapakat nitong utak-kriminal na 203rd brigade-PNP-MIMAROPA. Tatlong taong pinagdusa ang mamamayang Mindoreño ng pasistang rehimen nang ipinatupad nito ang mapanupil na JCP-Kapanatagan. Pangunahing tinarget ng mararahas na kampanyang supresyon ang masang magsasaka, katutubong Mangyan at mga rebolusyonaryo sa isla na naghasik ng labis na pagpapahirap sa mga mamamayan sa kanayunan.

Sa desperasyong kamtin ang final push na lipulin ang rebolusyonaryong kilusan, nasadlak ang berdugong armadong pwersa ng reaksyunaryong rehimeng US-Duterte sa matinding kabiguan. Sa loob ng tatlong taon, nailunsad ng LDGC-NPA-Mindoro ang 62 taktikal na opensiba at mga aksyong militar na puminsala sa 153 pasista kung saan, 58 sa mga ito ang napaslang sa labanan , 91 ang nasugatan at apat (4) ang binihag (POW). Taon-taon mang ideklara ng teroristang rehimeng US-Duterte na nalipol na ang rebolusyonaryong kilusan sa isla, patunay ang mga maniningning na taktikal na opensiba at aksyong militar ng LDGC-NPA-Mindoro na hinding-hindi makakamit ng mga pasista ang kanilang layunin at ni kailanman ay hindi nila matatalo ang rebolusyonaryong Hukbo na pinakamamahal at sinusuportahan ng aping mamamayan.

Isang mapait na pabaon at paalala sa berdugong rehimeng US-Duterte ang matagumpay na aksyong militar sa Brgy. Mambog na sa kabila ng pagbuhos ng daan-dang milyong pondo sa pagbili ng makabagong armas pandigma para sa gera nito laban sa mamamayan ay bigong-bigo si Duterte sa pagyayabang na dudurugin ang rebolusyonaryong kilusan BAGO magwakas ang kanyang termino. Sa katunayan patuloy na niyayakap ng aping mamamayan ang linya ng demokratikong rebolusyong bayan at sumasalig sa armadong pakikibaka upang wakasan ang daantaong kahirapang binunsod ng kronikong krisis ng malakolonyal at malapyudal na sistema.

Sa pagkakaupo sa estado poder ni Marcos Junior—anak ng yumaong pasistang diktador Ferdinand Marcos Sr., nakahanda ang aping mamamayan at rebolusyonaryong kilusan na ubos-kayang lalabanan at bibiguin ang mga pakana nito laban sa sambayanang Pilipino at ang panibagong mga pakanang wasakin ang rebolusyonaryong kilusan. Magsisilbing mensahe ang mga aksyong militar ng LDGC-NPA-Mindoro na hangga’t nananatili ang inhustisya, kahirapan, pagsasamantala at pang-aapi na dinaranas ng sambayanang Pilipino, patuloy na susulong at lalakas ang digmang bayan. Muli’t muli, bibiguin ng rebolusyonaryong kilusan at nagkakaisang mamamayan sa isla ang pasistang paninibasib at ibayong paiigtingin ang armadong pakikibaka!

Asahan ng mamamayang Mindoreño ang mas maiigting at gitgitang pakikihamok sa harap ng matinding atake ng ilehitimo at magnanakaw na rehimeng US-Marcos II. Sa harap ng tumitinding krisis at pasismo, napapanahon ang pagtugon ng mamamayan sa tawag ng armadong pakikibaka. Sa pamumuno ng Partido, ang armadong paglabang inilulunsad ng LDGC-NPA-Mindoro at ng NPA sa buong bansa, ang siyang tunay na landas at tanging lakas na lalagot sa tanikala ng pananamantala at kahirapang pinananatili ng bulok na malakolonyal at malapyudal na lipunan.

Kailangang patuloy na armasan ng rebolusyonaryong teorya ang mamamayan at higit silang patatagin sa pakikihamok sa pumalit na rehimen. Mamamayang Mindoreño, ang hustisyang matagal nang ipinagkait ay makakamit lamang sa pagsulong ng rebolusyon! Isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay!

Mamamayang api, tumangan ng armas, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Labanan ang ilehitimong rehimeng US-Marcos II, isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay!
Digmang bayan, sagot sa terorismo ng estado!##

Huling mga Atake ng Rehimeng Duterte sa Buwan ng Hunyo, Binigwasan at Binigo ng BHB! Rebolusyonaryong Hustisya Nakakamit ng Mamamayang Mindoreño!