Ikatlong Bugso ng FMO ng 203rd Brigade sa Mindoro, Patuloy na binibigo ng LdGC! 5 kaswalti natamo ng AFP sa 2 magkasunod na aksyong militar ng BHB!
Matagumpay ang dalawang magkasunod na isnayp ng isang tim ng LdGC-NPA-Mindoro laban sa nag-ooperasyong dalawang kolum na may bilang na sitentang (60) pwersa ng 4th IB at PNP sa Brgy. Monteclaro, San Jose Occidental Mindoro ganap na alas 3:30 ng hapon, Pebrero 19, 2020, sa Sityo Ibanig. Isinagawa ang operasyong isnayping na tumama sa pasistang kaaway. Sa limang pinakawalan na putok ng mga pulang mandirigma nagresulta ito ng apat na malubhang sugatan sa 4th IBPA-PNP. Bandang alas-5 ng hapon inilabas ng AFP ang kanilang kaswalti. Sa kasunod na araw Pebrero 20, 2020, ganap na alas-2:00 ng hapon ay muling na-isnayp ng tim ng LdGC ang mga kaaway sa sityo Balingaso na patuloy na nambubulabog sa mga pamayanan ng mga katutubong Mangyan. Sa isang putok ng pulang mandirigma ay isa ang kumpirmadong malubhang nasugatan sa pwersa ng 4th IBPA.
Ligtas namang nakaatras ang mga pulang mandirigma nang walang anumang pinsala.
Sampung araw ng nag-ooperasyon sa sityo Elya, Taganop, Mantay, Ibanig, Tikyan, Banligan, Balingaso, Mabanban at Saliding ng Barangay Monteclaro ; mga sityo ng Dulis, Dayaga, Dalalo ng Barangay Naibuan ng San Jose, Manoot ng Rizal ng Occidental Mindoro; mga sityo ng Abalya, Masay, Buswak ng Lisap, Bongabong, San Vicente sa Roxas at Panaytayan sa Mansalay ng Oriental Mindoro ang mahigit sa 300 pwersa ng 4th IBPA at PNP. Matatandaan na ang mga sityo at baranggay na ding ito ang biktima ng mga pambobomba, pang-iistraping, panununog at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao ng 203rd Brigade sa nakaraang taong 2019.
Ito na ang ikatlong bugso ng inilunsad na Focus Military Operation at Retooled Community Support Program-Operation (FMO-RCSPO) ng 203rd Brigade at PNP-Region IV-B sa loob lamang ng unang isang buwan at kalahati ng taong 2020.
Matapos ang kabiguan na ito ng 4th IB-PNP, binalingan ng kanilang galit ang mga sibilyan. Nilapastangan ang karapatan tao ng dalawang katutubo at walang awang binugbog ng mga pasista ang walang kalaban-laban na dalawang katutubong Mangyan. Binawalan din na lumabas ang mga nakatira sa pamayanan ng Ibanig at Balingaso sa loob ng 3 araw.
Tugon ito ng LdGC-NPA Mindoro sa hinaing ng mga biktima na mabigyan ng rebolusyunaryong hustiya ang mga paglabag at krimen na ginawa ng pasistang 203rd Brigade-PNP-Region IV-B sa mamamayang Mindoreño. Dulot ng nagpapatuloy na FMO ng kaaway, paparami ang madugong listahan ng pagpaslang sa mga Mindoreño. Sa nakaraang buwan, dalawang sibilyan na sila Jay-ar Mercado at Mark Ederson Valencia de los Santos ang walang awang pinaslang ng mga pwersa ng 203rd Brigade.
Mabibigo ang 203rd Brigade sa kanilang Focus Military Operation dahil wala sa kanilang panig ang suporta ng mamamayan. Patuloy na susuportahan at pakakamahalin ng mga Mindoreño ang LdGC-NPA Mindoro dahil nauunawaan nilang ito ang tunay nilang Hukbo, tagapagtanggol at sandigan. Tanging sa paglahok sa digmang bayan matitiyak at matatamasa ng mamamayan ang hustisya, tunay na kapayapaan, demokrasya, kalayaan at kasaganahan.##