Ipagbunyi ang 50 taong pakikibaka at tagumpay ng Partido Komunista ng Pilipinas! Mga Sorsoganon, magkaisa at labanan ang pasismo at diktadurya ng rehimeng US-Duterte!
Nagpupugay ang Partido sa lahat ng Pulang mandirigma at kumander, sa mga kadre at kasapi ng partido, sa mamamayan, at higit sa lahat , sa mga martir ng rebolusyonaryong kilusan na nag-alay ng kanilang buong panahon, dunong at lakas upang iabante ang pakikibaka para sa pambansang paglaya.
Nakamit at patuloy na pinanghahawakan ng partido ang mga tagumpay at paglakas nito dahil sa suporta ng mamamayang Sorsoganon at mga alyadong organisasyon ng Pambansa Demokratikong Prente at sambayanang Pilipino.
Matinding Kahirapan at Pagsupil
Sa ilalim ng pamumuno ng rehimeng US-Duterte, naranasan ng mamamayang Pilipino ang pinakamatinding krisis sa ekonomiya. Higit pang nabaon ang mamamayang Sorsoganon sa nabubulok na sistema ng lipunang pilipino. Bumaba ang presyo ng mga produktong agrikultura: halimbawa ng niyog– mula sa P28 halaga kada kilo ng kopras at P8 halaga ng isang buo ng niyog nitong Enero ay bumaba pa ito sa P13 kada kilo at P4 para sa binook . Mababa din pati ang presyo ng mga pestisidyo at abono. Monopolisado ng mga kumprador ang presyo ng produkto bukod pa sa iba’t ibang iskema ng resiko na lalong nagbubunsod na magbaon sa utang sa mga magsasaka.
Higit pa itong pinalala ng batas na TRAIN na sumagasa sa lahat ng mamamayang Sorsoganon at ilang panggitnang pwersa. Nagtaas ng halos 10% ang presyo ng mga bilihin habang napaka baba ng sahod ng mga manggagawa sa probinsya. Hindi makatao ang kundisyon sa paggawa habang laganap ang kontraktwalisasyon.
Nakalatag din ang proyektong Build! Build! Build! ng rehimeng Duterte na layuning pagkakitaan ng ilang mga naghaharing uri sa Sorsogon at pagmulan ng matinding korapsyon ng mga kaalyado ng rehimen.
Malawakan ang pagpuputol ng puno, kumbersyon ng mga lupang sakahan upang gawing mga subdibisyon. Demolisyon naman para sa diumano’y settler na nasa mga sentrong bayan sa ngalan ng turismo at kaunlaran.
Libu – libo din ang pamilyang apektado ng mga bagong itinatayong kalsada na tumutuhog sa mga bundok at natitirang gubat sa probinsya. Tampok dito ang tinaguriang “tourism road” na nagdudugtong sa bayan ng Bulan at Magallanes at ang kalsada mula sa Matnog papuntang Bulusan na dadaan sa bayan ng Magdalena, ang kalsadang planong ilatag sa paanan ng Mt. Bulusan bilang paghahanda sa geothermal project , ang dam na itatayo sa Prieto Diaz hindi para sa irigasyon ng mga sakahan kundi para sa pribadong hydro electric power plant . Dagdag pa dito ang malawakang pagpapaalis sa mga residente ng apat na barangay sa bayan ng Matnog na planong gawing paradahan ng mga tatawid sa Visayas at Mindanao.
Samantala, n agkukumahog ang mga alipores ni Duterte, kasapakat ang pamilyang Marcos at ni Gloria Arroyo, na kapit-tuko sa pwesto, na iratsada ang charter changehanggang sa senado upang tuluyang isulong ang pederalismo na mas lalo lamang magbibigay ng dagdag na kapangyarihan sa mga may dinastiya sa pulitika sa bansa.
Gayundin, mistulang martial law sa buong bansa sa dami ng p ina patay sa pamamagitan ng Oplan Tokhang at ekstrahudisyal na pamamaslang sa mga grupo at indibidwal na lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Ang Bikol ay pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng paglabag sa karapatang-tao, at ang Sorsogon ang may pinakamataas na bilang ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa buong rehiyon simula ng maupo si Duterte.
Sa pagpirma ni Duterte sa Memorandum Order No. 32 na nag-uutos na dagdagan ang pwersa ng militar sa Bicol, Negros Island at Samar upang pigilan diumano ang paglaganap ng karahasan sa mga rehiyong ito at ang Executive Order 70 upang magbuo ng National Task Force to End Communist Insurgency ay nangangahulugan lamang ng sapilitang pagdamay sa mga sibilyan sa digmaang sibil, ay tiyak na magpapalala pa ng mga paglabag sa karapatang-tao sa probinsya.
Dahil hindi kinayang tapusin ang rebolusyonaryong kilusan nitong 2018, desperadong nagha nap pa ng panibagong dagdag na pansupil sa mamamayan si Duterte, magbibigay din ito ng arbitraryong luwag sa paglabag ng pulis at kasundaluhan at mga paramilitar nito.
Inaasahan din ang matinding sensorship na pipigil sa daluyan ng impormasyon sa mga radyo, telebisyon, at social media upang pigilan ang paglitaw ng katotohanan sa mga insidente ng abusong militar at malalang korapsyon ng administrasyon ni Duterte.
Ang mga ganitong hakbangin at deklarasyon ni Duterte ay nagpapakita ng kanyang kawalan ng interes sa kapakanan ng mga mamamayan. Nanggagalaiti at desperado si Duterte sa kawalan nya ng kakayahang durugin ang Partido Komunista ng Pilipinas, ang pinakamatagal na rebolusyonaryong kilusan sa buong mundo.
Ginawa nila ang lahat ng paninira, demonisasyon at pagkriminalisa sa rebolusyonaryong kilusan, pananakot, pagtortyur, sapilitang pagpapasuko, panlilinlang, iligal na pag-aresto at pagpaslang sa mga sibilyan maging ang mga indibidwal at grupong nagtataguyod ng kapakanan ng mamamayan ngunit bigo parin ang rehimeng US-Duterte gamit ang kanyang mga alipores na 31 st IBPA, PNP at paramilitar nito na ilayo ang mamamayang Sorsoganon sa kanilang tunay na hukbo, ang BHB na ginagabayan ng Partido.
Paglawak at Pag-unlad ng Partido
Umusbong ang punla ng Partido sa Sorsogon noong 1968 sa gitna ng krisis at pasismo ng rehimeng US-Marcos. Mula sa hanay ng Progresibong Kabataan gDemokratiko ng Sorsogon (PKDS) at mga Sorsoganong myembro ng Kabataang Makabayan (KM) na naorganisa sa Maynila, naitanim ang binhi ng rebolusyonaryong kilusan sa buong probinsya. Tangan ang teorya ni n a Marx, Lenin at Mao, inorganisa nila ang mga magsasaka, kababaihan at kabataan sa mga komunidad sa sentro ng Sorsogon at panimula sa mga bayan ng Gubat, Casiguran, Bulan at Irosin. Naglunsad sila ng mga pag-aaral tungkol sa rebolusyon at kalagayan ng mamamayan sa Pilipinas, kasabay ang bayanihan at luyo-luyo sa hanay ng mga magsasaka. Dahil sa mabilis na paglawak ng myembro ng partido ay agad na nabuo ang Komite ng Partido ng Probinsya noong 1970 at yunit naman ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong 1971.
Sa wastong pamumuno ng partido, nakapaglunsad agad ng matatagumpay na taktikal na opensiba ang BHB, mabilis na lumawak ang hanay ng organisasyong masa at nakabuo ng mga alyansa sa hanay ng mga panggitnang pwersa att naliliwanagang panginoong maylupa at mga pulitikong anti-Marcos.
Mula sa mabilis at malawak na paglakas ng rebolusyonaryong kilusan noong 1970 ay nakaranas ito ng matinding paghina mula 1974 hanggang 1988 dahil sa paglihis at pagkakamali ng Partido, tindi ng operasyon militar at psywar na higit na nagpahamak sa buhay at kabuhayan ng mga Sorsoganon.
Tapat at buong pagpapakumbaba na nagpuna at nagwasto ang Partido nang ipanawagan nito ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP) noong 1992. Muling bumangon, puspusang nag-organisa upang maabot ang malawak na masa at umugat sa malalim na baseng masa kung kaya mabilis ang pag-unlad at muling sumikad sa pagsulong ang rebolusyonaryong kilusan.
Katuwang ang Pambansang Demokratikong Prente at mga alyado nitong organisasyon ay naitayo ang mga rebolusyonaryong kooperatiba sa iba’t ibang bahagi ng probinsya upang itaas ang antas ng kabuhayan ng mamamayan at naglunsad ng mga kampanyang anti-pasista at agraryo upang labanan ang mga sakim na mga panginoong maylupa at lokal na burgesya kumprador.
Mula sa pitong magiting na mandirigma at pitong malalakas na mahabang baril na ibinigay ng mga alyadong anti-Marcos ay tuloy-tuloy na lumawak ang hanay ng BHB sa lahat ng bayan sa probinsya. Isa din ito sa mga nagluluwal ng maraming mandirigma at kadre at nag-aambag ng lakas-tauhan sa ibang bayan at rehiyon sa buong bansa.
Naitayo ang mga sangay ng partido sa mga komunidad, eskwelahan, hanay ng reaksyunaryong gobyerno at institusyon sa kalunsuran at sa mga baryo sa kanayunan na naging tuntungan ng unti-unting pagbuo at pag-abante ng pamumuno mismo ng mamamayan sa kanyang gobyerno, ang Demokratikong Gobyernong Bayan.
Ngayon ay nakapagtayo na ng mga komiteng seksyon ng Partido sa mga baryo na nagbigay ng panahon sa hukbo upang mas makabwelo pa sa mga gawaing militar at makapagbuo ng mga panibagong larangan.
Sa kabila ng masinsin at matinding atake ng mga nagdaang rehimen kasapakat ng US gamit ang iba’t-ibang oplan ay buong lakas na nilabanan ito ng rebolusyonaryong kilusan sa pamumuno ng Partido. Sa kasalukuyang rehimeng US- Duterte, nararanasan ng mamamayang Sorsoganon ang pinakamatinding krisis sa pulitika at kultura sa buong kasaysayan sa Pilipinas.
Sa harap na matinding pasismo at krisis sa ekonomiya, kultura at pulitika ay lalo lamang ito magpapasiklab sa apoy ng paglaban ng mamamayan at magluluwal ng libu-libong pultaym sa hukbo.
Tungkulin at mga Rekisitos
– Higit pang konsolidahin at palawakin ang mga sangay upang makapamuno at higit pang hawakan ang kagalingan ng mamamayan.
– Maging mapangahas ang lahat ng yunit ng partido na magrekluta ng mga bagong kandidatong kasapi ng partido at ganap na kasapi kasabay ng pagluluwal ng mga kadre sa lahat ng antas mula sa sangay hanggang antas probinsya.
– Maramihang magpasampa sa hukbo mula sa mga organisasyong masa at sangay at ihanda sa pagtangan ng mga responsabilidad sa loob ng yunit ng hukbo.
– Ilunsad ang maramihang pagpapatapos ng B atayang Kursong Pampartido (BKP), I ntermedyang K ursong
– Magpaluwal ng mga instruktor sa BKP at IKP kasabay na ng p agpaparami ng mga instruktor sa Pambansa D e mokratikong P a aralan (Padepa) hanggang sa BKP, IKP at AKP mula sa hukbo at lokalidad.
– P amunuan ang mga laban ng masa mula sa lokal na pakikibaka hanggang nasyunal at internasyunal.
– Palawakin ang alyansa laban sa anti-pyudal, anti-pasismo at anti-impe ryalismona nagdudulot ng hirap sa malawak na mamam a yan.
Pagsulong Tungo sa Estratehikong Pagkakapatas
1. Sabay-sabay na isulong ang adhikain ng rebolusyonaryong kilusan upang wakasan ang walang patid na krisis na nararanasan ng mamamayan. At iguhit ang paninindigan para sa rebolusyonaryong pagbabago.
2. Ubos kayang biguin ang lahat ng pakana ng rehimeng US-Duterte na nagdudulot sa mamamayan ng higit na pasanin mula sa ekonomiya hanggang sa kanyang pamamasistang paghahari.
3. Tipunin ang lakas ng rebolusyonaryo at ma mamayan upang iabante ang kasalukuyang kalagayan at durugin ang hindi makataong sistemang panlipunan sa ilalim ng reaksy u naryong g u byerno.
4. Itayo ang ekonomiyang nakaasa sa sariling lakas at pagsisikap maging ang pagtatayo ng mga tulong na magtitiyak na kakain at magiging malusog ang mamamayan.
Sa limang dekadang pagsisilbi sa bayan ng Partido Komunista ng Pilipinas, tangan ang prinsipyong Marxismo-Leninismo at Maoismo ay nakatitiyak ang mamamayang Sorsoganon na isusulong nito at ng Bagong Hukbong Bayan at Pambansang Demokratikong Prente ang Demokratikong Rebolusyong Bayan hanggang sa tagumpay.
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!