Ipagdiwang ang Ika-50 Taong Pagkakatatag ng CNL, Isulong ang Pambansa Demokratikong Rebolusyon na May Ganap na Pagtatalaga at Sakripisyo
Ipinagdiriwang natin ang ika-50 taong pagkakatatag ng Christian for National Liberation sa gitna ng lumalalang panlipunan, pampulitika at ekonomiyang krisis dala pangunahin ng Imperyalismong Estados Unidos at reaksyong lokal habang pahirap at mapangwasak ang demonyong sistemang ito sa mga tao sa mga neokolonyal na bansa. Kawalan ng hanapbuhay at batayang serbisyong panlipunan—edukasyon, pandarambong sa mga likas na yaman kapalit ang tubo ng mga korporasyong transnasyunal sumasamba sa mammon (diyos ng kayamanan) ang pabigat na kaayusan sa bawat araw.
Silbing gatong ang mga karanasang ito higit sa mga nagdarahop at pinagsasamantalahang maralita upang mapagpasyang lumahok sa mga kilusang pagpukaw, pagpapakilos at pag-oorganisa sa mamamayan sa gayon lubusang maunawaan at yakapin ang katumpakan ng armadong rebolusyon tungo sa lantay at makabuluhang pagbabago.
Pahirap ang mga nasabing kalagayan sa mga Pilipino na nabibiktima ng pakeng gera laban sa droga, mga oparasyong anti-inshurhensya na dahilan ng pag-aresto, pagpaslang, paninira at malisosyong akusasyon na mga gawaing inilulunsad ng pamahalaang Duterto sa pamamagitan ng NTF-ELCAC; gayundin ang walang awang pambobomba ng maraming pamayanan; kanselasyon ng usapang pangkapayapaan, pagpasa ng Anti-Terror Law, at pag-aresto sa mga kinatawang kasangguni ng NDFP. Patunay ang mga krimeng ito sa sangkatauhan ng tiraniya at pasismo ng estado na lalong gumagatong sa malawakang paglaban ng mamamayang kolektibong nakikibaka upang papanagutin si Duterte sa International Criminal Court. Dagdag dito, ubos kayang hinahadlangan ng mamamayan ang tangka sa muling pagbabalik sa kapangyarihan ng pamilya ng diktador at mandaramong na si Ferdinand Marcos na pinagsisikapang ihanda ng katulad ding korap, pasista at tiranikal na Duterte.
Ipinagdiriwang ng CNL ang Ginintuang Anibersaryo na pinararangalan at nagpupugay sa mga kawal ng mamamayan at rebolusyonaryong mga Kristiyano na bunga ng hamon ng panlipunang kalagayan at pananampalataya kung saan pinili ang pakikiisa sa walang humpay na pakikibaka, maging ang paglahok sa armadong pakikibaka upang mapalaya ang bansa sa tanikala ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo, ang mga tunay na dragon at masamang yumuyurak at lumalamon sa mga mamamayan at bansa ng kanilang kaloob ng Diyos na karapatang maging malaya at masagana.
PInasigla ng kwento ng paglalakbay ng mga Israelita tungo sa kalayaan laban sa dayuhang mananakop at mapagsamantala ang ating pagdiriwang. Isang salaysay patungkol sa atas ng Diyos na isagawa ang Taon ng Jubileo ang kaugnay dito kung saan iniutos ng Diyos “Sa ganitong paraan, itatangi ninyo ang ikalimampung taon; ipahahayag ninyong malaya ang lahat sa buong lupain. Ito ay inyong Taon ng Paglaya; ang alipin ay babalik sa kanyang sariling tahanan at ang lupaing naipagbili ay isasauli sa dating may-ari. Sa buong taóng iyon, huwag kayong magtatanim sa inyong bukirin. Huwag din ninyong aanihin ang bunga ng mga punong ubas na hindi naalagaan. Sapagkat ito’y taon ng pagdiriwang at ito ay sagrado para sa inyo. Ang inyong kakainin ay ang mga halaman na kusang tumubo sa bukid.” (Levitico 25:10-12)
Gayunpaman, sinasabing hindi nakagawian ang okasyong ito. Inilalarawan sa Isaias halimbawa na habang sinasabing, “Ang ubasang ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay walang iba kundi ang bayang Israel, at ang bayan ng Juda ang mga puno ng ubas na kanyang itinanim. Umasa siyang gagawa ito ng makatarungan, ngunit sa halip ay naging mamamatay-tao, inasahan niyang paiiralin nito’y katuwiran, ngunit panay pang-aapi ang kanilang ginawa” (Isa. 5:7). Kaugnay din dito ang iba pang mga talata (Ezek. 7:12, 13; Neh. 5:1–19).
Ngunit para sa CNL, hindi ilusyon ang pagwawagi ng digmang bayan at napipintong katuparan ng pangitain ng lantay na pagbabago kung saan walang balangkas panlipunan na nagkakait sa mga tao na maranasan kung ano ang kahulugan ng pagiging tao at kasaganaan ng buhay na siyang marapat na karansan sa halip na pagsasamantala at pang-aapi sa mga bansa at mamamayan. Matibay ang paniniwala nito na mararanasan ang pangitain sa lantay na pagbabago at kalayaan habang nananatiling naninindigan ang CNL sa merito ng isinaad na pahayag sa bibliya na binibigyang kahulugan bilang katuparan ng bagong demokratikong rebolusyon na may sosyalistang pananaw na ganyak naman ng pananampalataya sa pag-ibig sa Diyos na isinasabuhay sa paglilingkod sa mamamayan. Ang pagtatalaga at sakripisyon ng proletaryado bilang uring mapagpalaya at mga magsasaka bilang pangunahing pwersa sa hindi masusukat na mapagpunyaging gabay at inspirasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan. Nagwawagi tayo sa digmaan na may mataas na pagtatalaga at sakripisyon. Kung gayon, ang mataas na pagpupugay at pagdakila.
Tampok sa pagdiriwang ng CNL ang kritikal na pagsusuri sa Kristiyanismo at pananampalataya na marapat na isalin o isabuhay sa masigasig na pakikibaka sa pambasang demokrasya na may sosyalistang pananaw habang tuloy-tuloy itong nagkokonsolida at nagpapalawak sa kanyang hanay. Dahil dito, muli tayong nagpapahayag ng pagpapanibago ng pagtatalaga upang manatiling matatag sa ating tindig na ibandila ang bisa at ganda ng rebolusyon hanggang sa tagumpay. Puspos ng rebolusyonaryong optimismo ang ating mga puso na pinatitingkad ng dakila at ganap na pagtatalaga at kahandaan ng sambayanan na ialay ang kanilang buhos lakas at buong pagkatao sa magiting, alay-buhay at mapagpahusay na mga pagkilos. Lahat ng ito alang sa kasarinlan at buhay na ganap sa lupa gaya ng sa langit na siyang kalooban ng Diyos.
Itaguyod ang Digmang Bayan!
Ilunsad ang Pambansa Demokratikong Rebolusyon!
Sumapi sa Christians for National Liberation!
Maligayang Ika-50 Taong Anibersaryo!