Isnayp ng LDGC-NPA-Mindoro sa yunit sa RCSPO ng 4th IB, tagumpay!
Matagumpay na nailunsad ng isang tim ng LDGC ang operasyong isnayp sa isang platun ng 4th IBPA na nagsasagawa ng Retooled Community Support Program Operations (RCSPO) sa Sityo Mantay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong Septyembre 16 bandang 4:16 ng hapon. Isang sundalo ang bumulugta sa isang bala na pinakawalan ng tim. Ligtas na nakaatras ang tim ng BHB habang walang direksyong nagpaputok ang mga pasistang sundalo.
Tugon ito ng LDGC sa reklamo ng mga residente na matinding perwisyo sa kanilang buhay at kabuhayan ang dulot ng RCSPO ng 4th IB sa kanilang pamayanan. Mula pa noong Mayo hanggang sa kasalukuyan ay inokupa na ng yunit na ito ang kanilang bahayan at pampublikong pasilidad tulad ng eskwelahan at palaruan.
Limang buwan nang binubulabog ng nasabing RCSPO ang mga katutubong Mangyan sa sityo ng Mantay at karatig na mga pamayanan ng Buswak, Sangay, Masay, Taganop, Saliding, Balingaso, Ilya at Mabanban. Nakaranas sila ng mga pambubugbog, pisikal at mental na tortyur, paulit-ulit na iligal na interogasyon, iligal na pagbinbin, pagpapalayas sa kanilang pamayanan, sapilitang pagpapaamin at sapilitang pagpapasuko bilang mga NPA. Noong dumalaw sa kampo ang matataas na opisyales ng militar at lokal na pamahalaan, ipinresentang mga pekeng surenderees ang mga biktima.
Sa desperadong hakbang ng mga opisyal ng PTC-ELCAC na may maipresentang resulta sa kanilang programa laban sa insurhensya, biniktima ng nasabing yunit ng 4th IB ang mga residente ng pamayanang katutubo kabilang ang mga kabataan at pinalabas na sila’y kasapi ng NPA. Ginawang ligal ang mga karahasang ito laban sa mamamayan matapos na isabatas ang Anti Terrorism Act of 2020 ng rehimeng US Duterte.
Ang EO No.70 ng Rehimeng US-Duterte ang basehan ng walang patid na mga operasyong militar sa isla ng Mindoro kahit sa gitna ng pagharap ng buong bansa sa pandemyang Covid 19. Imbes na magmalasakit sa mamamayan at maghatid ng serbisyong pangkalusugan ay dahas ang hatid ng pasista at diktador na si Duterte sa mga pamayanang nilulunsaran ngayon ng RCSPO. Malaking pag!ulustay din sa kabang yaman ng bansa ang madalas na pagpapalipad ng helikopter na nagsisilbing serbis ng pasok at !abas ng mga sundalo, paghahatid ng suplay at kagamitan sa kampo at ang pamumudmod ng polyeto sa mga liblib na bahagi ng Mindoro. Mahigit limang beses na nagsagawa ng paglaglag ng mga polyeto ang dalawang helikopter mula noong Hunyo 2020.
Ang mga karahasan at paglabag sa karapatang tao ng mamamayan ay tutugunan ng LDGC-NPA-Mindoro ng mga aksyong militar upang makamit ng mga Mindoreño ang rebolusyunaryong hustisya laban sa mga salarin. Nananawagan kami sa mamamayan na sama-sama nating labanan sa lahat ng paraan ang batas militar, karahasan, pagnanakaw sa kabang yaman ng bayan, pagbebenta sa ating soberanong karapatan sa West Philippine Sea at pandarambong sa likas na kayamanang ginagawa ng kriminal na rehimeng US-Duterte.
Higit sa lahat, pagkaisahin natin ang sambayanang Pilipino upang isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon na siyang magbibigay wakas sa mapagsamantalang paghahari ng imperyalismong US, katutubong pyudalismo at burukrata kapitalismo sa Pilipinas. Ipaglaban natin haggang makamit ang matagalang kapayapaan, katarungan, kalayaan, demokrasya, kasaganaan at sosyalistang bukas.###