Itaas ang antas ng ating pakikibaka sa ika-52 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!

,

Nagpupugay ang Santos Binamera Command NPA – Albay (SBC-BHB Albay) sa lahat ng magigiting na Pulang mandirigma at mahuhusay na mga kumander ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa buong kapuluan.

Taas-kamaong pinagpupugayan din natin ang mga kasamang martir na nauna nang nagbuwis ng kanilang buhay bilang pinakamataas na sakripisyong kanilang inialay alang-alang sa sambayanang Pilipino.

Sa ika-52 na pagkakatatag ng BHB, higit nating napatutunayan ang katumpakan ng ating rebolusyong inilulunsad. Walang humpay ang krisis na nararanasan ng mamamayang Pilipino. Mula pa sa yugto ng pananakop ng mga Espanyol, Amerikano at Hapon hanggang sa mga nagdaang rehimen, hindi nawala ang pasakit na dulot nila sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan.

Sa yugtong ito, hindi kailanman natugunan ang matagal nang panawagan ng mga magsasaka–lupang mabubungkal at tunay na reporma sa lupa, pagtaas ng sahod para sa mga manggagawa at propesyunal, libreng edukasyon para sa kabataan at libreng serbisyong panlipunan para sa mamamayan.

Dinaig na ng rehimeng US-Duterte ang pananalanta ng mga nagdaang rehimen. Mula sa malawakang pagpatay ng kanyang gera-kontra-droga, mabilisang pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin at pagkain dulot ng batas na kagyat niyang ipinasa, matinding pamamasista sa mga aktibista o sinumang humihiyaw ng kagalingan at karapatan para sa nakararami. Pasistang pagharap at walang syentipikong plano sa gitna ng pandemya bagkus ay lalong paghuthot sa pondo ng bayan sa bihis ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa P19 bilyong pondo nito sa halip na ilaan sa pagharap sa idinulot na krisis ng sunod sunod na bagyong nagdaan at pagputok ng bulkan. Walang masusulingan ang mamamayang Bikolano kundi ang gubyerno ng masang anakpawis.

Para sa mamamayang Bikolano, panahon na ito ng paniningil at pagpapanagot sa gubyernong US-Duterte. Ipako natin siya sa kangkungan ng kasaysayan bilang pangulo na may katangiang walang silbi, walang malasakit, makasarili at higit na mapanupil.

Sa lahat ng kasapi ng SBC NPA – Albay, higit nating itaas ang antas ng ating pakikibaka. Maglunsad ng mga taktikal na opensibang bibigwas sa ulo at katawan ng kaaway. Ituluy-tuloy natin ang konsolidasyong higit na magpapatatag sa ating pagkilos at pagkakaisa. Ubos-kaya nating ilaan ang ating buong panahon at magpakahusay sa bawat linya ng ating gawain. Abutin natin ang malawak na masang uhaw sa tunay na kalagayan ng ating lipunan. Ibigay natin ang tunay na hustisya sa mamamayang Albayano na malayong makamit mula sa rehimeng pasista, tiraniko, kurap at berdugong gubryerno ni Duterte.

Nasa satuyang pagkasararo an pagkalda sa katingatingan!
Nasa satuyang kamot an satong kapangganahan!
Kita an paglaom kan namamanwaan!

Itaas ang antas ng ating pakikibaka sa ika-52 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!