Ka Raymundo Buenfuerza sa pagkamatay ng mga sundalo at sibilyan sa bumagsak na C-130
Ang pagkasawi ng sariling tropa ng gubyerno ay resulta ng kurapsyon ni Duterte at ng AFP. Dapat managot ang imperyalistang US, ang korap na si Duterte at mga tutang upisyal sa AFP sa pagkasawi ng mga sundalo sa mga serye ng aksidenteng dulot ng bulok at palyadong mga asset-militar na binili at inutang sa US sa ilalim ng P300 bilyong huwad na modernisasyon ng AFP. Kabilang na rito ang mga frigates na halos sintanda ni Duterte, Black Hawk helicopters at C-130 planes na dalawang dekada na ang kalumaan.
Sa halip na ilaan sa mas makabuluhan at kinakailangang mga programang mag-aahon sa taumbayan sa sumasahol na krisis sa gitna ng pandemya, walang sinsiba ang rehimen kung bumili at umutang ng mga lumang kagamitan at armas militar para sa hungkag na gera kontramamamayan.
Buhay ng nakararami at pagyurak sa soberanya ng bansa ang kapalit ng pasismo, korupsyon at kapit-tukong pagyukod ni Duterte at ng AFP sa imperyalistang US. Lalong naging makatwiran para sa mamamayan na isulong ang armadong rebolusyon upang panagutin at ibagsak ang walang singbulok at singbrutal na rehimeng US-Duterte.