Limampu't-tatlong taon ng pagkakaisa ng mga uring inaapi laban sa hungkag na pagkakaisa ng mga naghahari: Kabataan, isulong ang digmang bayan! Sampa na sa New People’s Army!

,

Ipinapaabot ng probinsyal na balangay sa Cavite ng Kabataang Makabayan, Balangay Cristina Catalla ang pinakamataas nitong pagpupugay sa lahat ng mga Pulang mandirigma, milisyang bayan, yunit pandepensa sa sarili at iba pang mga komponente ng Bagong Hukbong Bayan sa ‘Timog Katagalugan at sa buong bansa. Pinatunayan lamang ng anibersaryo ng BHB na patuloy na sinusuportahan ng masa ang kanilang Hukbo na puspusang nagpapakahusay sa mga rebolusyonaryong adhikain at kamulatan nito tungo sa tunay na panlipunang pagbabago.

Maraming bigwas ang tinamo ng NPA Southem Tagalog — Melito Glor Command sa ilalim rehimeng Duterte; ang labag sa CARHRIHL na inaresto ang tagapagsalita nito na si Ka Diego Padilla, ang pagkakamartir ng mga Pulang mandirigma sa proseso ng labanan, at ang pagtataksil sa rebolusyon at pagpapagamit sa reaksyunaryong estado ng iilang mga dating kasama, na patuloy na inaabot ng mga kamay ng rebolusyonaryong kaparusahan. Ngunit sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, patuloy na nagliliyab ang armadong pakikibaka sa Timog Katagalugan.

Dumadagundong pa rin ang mga ulat ng taktikal na opensiba sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon, malalaki at maliliit na tagumpay sa agraryong rebolusyon, at ang paglawak at konsolidasyon ng mga baseng masa, at pagtatagumpay ng kilusang-masa sa rehiyon, maging sa Cavite. Dapat din nating kilalanin ang mga tagumpay ng mga organisasyong masa sa ating probinsya.

Bagaman hindi na ipinagpatuloy ang pagkakaroon ng regular na yunit ng Hukbo sa ating probinsya dahil na rin sa papaliit na paborableng tereyn sa pakikidigmang gerilya, nakaugat na sa puso ng mga masa sa probinsya ang pagmamahal at masidhing pananabik sa kanilang Hukbo na minsan nang kumilos dito. Abot-tenga ang kanilang mga ngiti sa tuwing nagkukuwento kung paano sila tinulungan noon ng mga Pulang mandirigma sa likurang Cavite-Batangas-Laguna. Ipinagmamalaki rin natin na ang ating probinsya ay nagluwal ng mga magigiting na Pulang mandirigma, gaya na lamang nina Queenie Loricel “Ka Kira” Daraman, Cristina “Ka Blue” Estocado, Ka Dodong, at maraming iba pa.

Hanggang ngayon, patuloy ang pagluluwal nito ng mga panibagong salinlahi ng mga Pulang mandirigma, at puspusan sa mga gawaing nakatutulong sa pag-abante ng digmang bayan sa kanayunan. Ang Kabataang Makabayan sa probinsya ay taas-diwang hinihikayat at hinahamon ang mamamayan ng Cavite na sumampa sa BHB, ipaglaban ang karapatan ng mamamayan at pabagsakin ang naghaharing-uri.

Naka-ilang pangako na ang pasistang rehimeng Duterte na dudurugin nito ang New People’s Army, ngunit ang lahat ng kaniyang pangako ay napako rin, sapagkat alam ng mga masa sa mga Jarangang gerilya na hindi ang Hukbo ang salot ng lipunan, kundi ang reaksyunaryong estado at mga pasistang galamay nitong AFP-PNP at ang NTF-ELCAC, at ang mga ito ay kailangang pabagsakin.

Kaugnay nito, mariing kinukundena ng rebolusyonaryong kilusang kabataan sa Cavite ang panghihimasok ng berdugong NTF-ELCAC sa mga komunidad ng mga magbubukid at maralita sa probinsya at tahasang pag-aakusa sa mga organisasyong masa at mga miyembro nito bilang mga miyembro ng NPA. Patuloy na ginagamit ng rehimen ang taktikang ito upang maluwag na makapangamkam ang mga panginoong maylupa na kanilang pinagsisilbihan, at mga gahamang kapitalista na kanilang pinoproteksyunan. Gayunpaman, puspusan ang pakikiisa ng mga kabataan sa laban ng mga magbubukid at maralitang lungsod para sa kanilang mga karapatan at mga batayang serbisyong panlipunan.

Patuloy na lumalawak ang kasapian ng Kabataang Makabayan sa probinsya sa isang napakalaking dahilan: sawa na ang kabataan sa bulok at pahirap na rehimeng US-Duterte at ng reaksyunaryong gobyerno, at uhaw kami sa tunay na panlipunang pag-unlad na makakamtan lamang sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan mula sa kanayunan patungo sa kalunsuran. Hindi perpekto ang Hukbo, ngunit isa sa pinakamagiting na katangian nito ay pinamumunuan ito ng Partido, at handang magpaunlad sa panahon ng kahinaan at magpuna at magwasto sa mga pagkakamali nito, kaya naman mulat na nagtitiwala ang rebolusyonaryong kilusang kabataan ng Cavite sa Bagong Hukbong Bayan at sa armadong pakikibakang inilulunsad nito.

Totoo, ang probinsya ng Cavite ay nasa tarangkahan ng Maynila: ang sentro ng reaksyunaryong kapangyarihang pampulitika. Ngunit ang probinsya rin ay tarangkahan tungong Batangas, kung saan naroroon ang Eduardo Dagli Command. Tarangkahan ng Laguna kung saan kumi los ang Cesar Batralo Command, na siyang kalapit ng probinsya ng Quezon, na kinikilusan ng Apolonio Mendoza Command, at napakaraming iba pang mga probinsyang may mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan.

Malawak ang kanayunan sa pagtugon sa panawagan, at lubos na magagalak ang masang magbubukid sa tuwing sasalubong ito ng mga bagong Pulang mandirigma na buong-tapang na nagpasyang tanganan ang pinakamataas na antas ng pakikibaka.

Pagpupugay sa New People’s Army sa kanilang ika-53 anibersaryo at sa matagumpay na pagbigo sa tangkang pagdurog ng rehimeng US-Duterte sa rebolusyonaryong kilusan! Ipagpatuloy ang pagpupunyagi, pataasin ang kamulatang pampulitika, ubos-lakas na mag-organisa, at magpakahusay sa gawaing militar!

KABATAAN, MAGPUNYAGI SA IKA-53 ANIBERSARYO NG BAGONG HUKBONG

BAYAN! ISULONG ANG DIGMA TUNGO SA ESTRATEHIKONG PAGKAPATAS

HANGGANG SA GANAP NA TAGUMPAY! SUMAMPA SA NEW PEOPLE’S ARMY!

Kabataan, isulong ang digmang bayan! Sampa na sa New People's Army!