Katarungan, patuloy na panawagan ng PKM-Catanduanes
Isang taon nang ipinagkakait sa masang Catanduanon ang katarungan. Setyembre 22, 2019 nang karumal dumal na pinaslang ng pinagsamang pwersa ng militar at pulis ang dalawang magsasakang sina Lito Aguilar at Christopher Abraham sa Panganiban, Catanduanes. Sugatan din sa naturang insidente ang tatlo nilang kasamahan. Ikakasal na sana si Aguilar sa susunod na araw at nangilaw lamang ang lima para makapagtipon ng handa. Sa kabila ng pakikipaggiitan ng kanilang mga kababaryo at mga upisyal ng barangay na sila ay mga sibilyan, pilit pang pinagtakpan ng AFP-PNP-CAFGU ang insidente bilang engkwentro. Ito ang tunay na tatak ng mga berdugo — walang pinipiling panahon, walang pinipiling pamamaraan, walang pinipiling biktima.
Nakikiisa ang PKM-Catanduanes sa masang Bikolano sa ibayong pagpapalakas ng pakikibaka para sa katarungan. Magkaisa upang labanan ang militarisasyon! Magkaisa laban sa batas militar at pasismo ng estado!