“Killer Battalion” na 11TH IB, singilin sa utang na dugo sa mamamayan
Ang pagdeploy muli ng 11th IB PA “Killer Battalion” sa Guihulngan ay maghahasik na naman ng terorismo sa Central Negros. Ang pagdagdag ng tropa militar at Police sa Negros Oriental ay ang laganap na pagpapatupad ng de facto martial law sa isla ng Negros na magbubunga naman ng maraming mga paglabag sa karapatang pantao pareho ng pamamaslang at pang-aaresto sa mga inosenteng mga sibilyan at mga nakikibakang mga mamamayan para sa karapatan sa lupa, kasegurohan sa trabaho at makatarungang sahod at serbisyo sosyal.
Matapos ang laganap na pang-aatake sa mga sibilyan sa Negros Oriental na umabot sa 20 mga biktima ng pamamaslang at 72 na mga iligal na pang-aaresto at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso, pagnanakaw sa mga kagamitan, pananim at pera ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mga pagraransak sa mga kabahayan na kagagawan lahat ng mga tropa ng Police Reginal Office-7, 94th IB, SAF at Negros Oriental Police Office sa ilalim ng SEMPO (Synchronize Enhance Managing Police Operation) o Oplan Sauron, sa ngayon darating na naman ang 11th IB PA sa pagdeploy nito sa Negros Oriental na magbabase sa Guihulngan City.
Ang 11th IB PA ay isa sa mga pinakaberdugo na tropang militar na marami nang utang na dugo sa mga mamayan. Partikular lamang sa Central Negros, sila ang mga responsable sa karumaldumal na pagpatay sa pamamagitan ng pagtad-tad ng bala at pagsunog sa bangkay ng mag-asawang Endric “Bayoto” Calago isang lider magsasaka at konsehal ng Brgy. Tacpao, Guihulngan City at kanyang asawa na si BHW Rosalie Calago, pagpatay kay Rene “Toto” Quirante sa pamamagitan ng pambubugbog at pamamaril at pagbaril-patay kay Pedro Angkon at Jaz Lasi-an, panghuhuli sa mga inosenteng sibilyan at marami pa. Hindi imposible at malaking peligro sa mga buhay ng mga sibilyang mga magsasaka sa kanayunan na makaranas na naman ng mga marahas na paglabag sa kanilang mga karapatan.
Ang pasismo ng tropang militar na naranasan ng mamamayan ang nagbunga ng malaking pwersa ng rebolusyonaryong kilusan, ang nagpalaki ng pwersa ng Bagong Hukbong Bayan na nagbigay ng isang dakilang lakas para harapin ang mabangis na atake ng rehimeng US-Duterte kasama ang kanyang mga bayarang tropa.
Siniseguro ng LPC-NPA na ang pagbabalik ng 11th IB PA sa Central Negros ang mag-uudyok sa mas maraming mamamayan at mga kabataan na sumapi sa NPA para sa pagdepensa sa komunidad ng mga magsasaka at buong baseng masa laban sa bangis ng kaaway.
Ang buong mamamayan ng Central Negros hindi na maloloko ng mga pabango at “sugar coated” na mga salita ng mga mersenaryong militar katulad ni 303rd Bde. Commander General Benedict Arevalo na ginuguhit ang mga palobong pahayag para pagtakpan ang kanilang mga krimen na nakomiter sa mamamayan. Ang katotohana’y pinamulat ang sambayanan sa mapansamantalang sistemang malakolonyal at malapyudal saan binabayo ang pwersa ng produksyon ng mga relasyon sa produksyon bunga ng monopolyo sa lupa ng iilang malalaking panginoong maylupa. Ang binubungang produkto ng mayoryang uri na 99.5% ng ganansya nito’y pumupunta sa mga monopolista sa dikta ng mga dayuhang kapitalista sa pamamagitan ng mga malalaking burgesya komprador. Habang halos-limos na suhol ang napupunta para sa kabuhayan ng pamilya at inaapakan pa ang pulitikal na karapatan nila laluna ng karahasan ng militar at kapulisan sa walang-habas na pagmasaker at pang-aaresto sa mga ultimong inosenteng mga mamamayan, gayundin ang kainutil ng rehimeng US-Duterte na wala paring serbisyo sosyal sa kabila ng walang-tigil na pagpasan ng sambayanan sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin dulot ng TRAIN Law 1 & 2.
Kaya ang mamamayan at buong rebolusyonaryong pwersa ay nakahanda na sa pagharap at paniningil sa krimen sa utang na dugo ng 11th IB PA at ang padaragdag ng tropa ng PNP sa Central Negros laluna ng PRO-7. Naniniwala ang LPC-NPA na ang lakas ng masa na naghahangad ng tunay na katahimikan na nakabase sa hustisya sosyal ang higante at makapangyarihang pwersa para lupigin at biguin ang mabangis na Estado ng reaksyonaryo kasama ng mga alipures nito na mga teroristang AFP at PNP.
Sa lahat na yunit ng BHB sa ilalim ng LPC, ilunsad ang mga taktikal na opensiba at bigwasan ang pasistang tropa ng reaksyonaryong Rehimen at agad na ipatupad ang desisyon ng Rebolusyonaryong Korte ng Mamamayan at abutin ang katuparan ng hustisya para sa biktima ng Oplan Sauron 1 & 2 at parusahan ang mga responsible nito. Buong lakas na harapin ang terorismo at pasismong pakana ng rehimeng US- Duterte.
Ipaglaban ang kapayapaan na nakabase sa hustisya sosyal!
Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!