Kinukundena ng NPA West Camarines Sur ang masaker sa Sorsogon na kagagawan ng AFP-PNP, sa gitna ng pandemyang Covid-19
Michael Robredo | Spokesperson | NPA-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) | NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
May 22, 2020
Mariing kinukondena ng Norben Gruta Command-NPA West Camarines Sur ang masaker sa limang sibilyan sa Barangay Dolos, Bulan, Sorsogon noong Mayo 8, 2020. Ang mga pinaslang ay sina Jeric Vuno, Jerry Palanca, Raymundo Tañada, Jaime Tañada at Robert Villafuerte. Nabatid na ang mga biktima ay pawang mga magsasaka at magkakapamilya. Ang huling nabanggit na si Robert Villafuerte ay may karamdaman sa pag-iisip.
Ang malagim na masaker ay resulta ng pinagsanib na operasyon na isinagawa ng 31st IB, PNP 9th Special Action Force Battalion, military at police intelligence units, kasabay ang regional at provincial mobile force units ng PNP.
Ginagamit ng reaksyunaryong gubyerno ang pandemya para bigyang katwiran ang lubos na panggigipit at panunupil sa sibilyang populasyon. Hindi kontentando si Duterte sa pagpapatupad ng Memo 32 sa Negros, Samar at Bicol na naglalagay sa mga ito sa de Facto Martial Law. Dahil sa laganap na pandemya, nagkaroon ulit nang dahilan ang rehimen para malayang makapanupil ang AFP-PNP sa hanay ng malawak na masa sa buong bansa.
Ang sistematikong panunupil ay laganap ngayon sa iba’t ibang panig ng Kabikulan. Sa unang Distrito ng Camarines Sur, nitong Mayo 3 ng gabi, dinukot ng sampung armadong kalalakihan sa kanilang pamamahay si Apolinario Vergara, 38 taong gulang may pamilya na taga Del Carmen, Lupi. Batay sa mga nakasaksi, binugbog si Vergara ng mga dumukot sa kanya. Kinalaunan, inanunsyo ni PLt. Col. James Ronatay, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, na si Vergara di umano ay kasapi ng NPA at nagsurender dahil aniya sa hirap na kaniyang nararanasan sa bundok dahil sa pinapairal pa rin na ‘Community Quarantine.’ Sapilitan siyang pinasuko at isinailalim sa hungkag na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Imbes na tulungan ang mamamayan sa sobrang kahirapan dahil sa pandemya, mas pinili ng gubyerno na gamitin ang pagkakataon para sa hibang na ambisyon nitong supilin at durugin ang lehitimong paglaban ng mamamayan at ng rebolusyonaryong kilusan. Walang pinipiling panahon at oras si Duterte para pakilusin ang kaniyang mga militar at pulis para palasapin ng kanyang nakamamatay na bayrus ang mamamayan. Kakambal ito ng mga arbitrayong restriksyon sa ilalim ng ECQ at GCQ, na pareho lang sa esensya at pilit na, ay pilit na ipinalulunok sa masang inaapi. Para kay Duterte, walang ibang solusyon sa Covid-19 kundi ang magpagapos sa kanyang batas militar na pamamaraan sa tabing ng lockdown at new normal stage diumanodi umano’y new normal stage.
Sa gitna ng inutil at militaristang pagharap ng rehimeng US-Duterte sa Covid-19, tinitiyak naman ng mga rebolusyonaryong pwersa sa kanayunan na maghanda sa banta ng pagkalat ng Covid-19 at pagkalat ng AFP-PNP na nagpapalaganap ng bayrus ni Duterte sa malawak na mamamayan. Inaasahan na higit na bulberable ang masa sa kanayunan sa pandemya dahil sa kawalan ng sapat na serbisyong medikal sa ilalim ng reaksyunaryong gubyerno. Magpapatuloy ang takot at banta sa buhay ng mamamayan dahil sa matinding militarisasyon.
Dahil dito, pangunahing tungkuling ngayon ng Bagong Hukbong Bayan na pagkaisahin ang mamamayan at mahigpit na makipagkapit-bisig sa kanila para labanan ang epekto ng pandemya at para supilin ang Duterte bayrus. Susi dito ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa at pagpapataas ng produksyon upang lutasin ang kagutuman at kasalatan ng pagkain na dulot ng pinalalawig ng “lockdown”.
Nananawagan ang NGC sa mga Bikolano na biguin ang tangka ni Duterte na gamitin ang pandemyang Covid para sa walang habas na paninindak at panunupil sa mga pwersang lumalaban. Sa panahon ng pandemyang Covid-19, nalantad ang kainutilan ng reaksyunaryong rehimeng US-Duterte at ang pinaghaharian nitong malakolonyal at malapyudal na lipunan na wala itong makabuluhan at epektibong solusyong maka-mamamayan para labanan ang krisis pangkalusugan. Dapat panatilihin ng rebolusyonaryong pwersa ang militansya at postura ng aktibong depensa sa patraydor at buhong na mga atake ng rehimeng US-Duterte.###
Kinukundena ng NPA West Camarines Sur ang masaker sa Sorsogon na kagagawan ng AFP-PNP, sa gitna ng pandemyang Covid-19