KM-Bikol sa pagkakasibak ni Maj. Gen. Alex Luna at patuloy na red-tagging sa mga unibersidad
February 01, 2021
Karaniwan nang gawi ng rehimeng US-Duterte ang pagbuntunan ng sisi ang isang alagad tuwing napapahiya ito sa publiko. Hindi sapat ang pagkakasibak ni Maj. Gen. Alex Luna. Tiyak marami pang mga susunod na naka-Photoshop at mga orkestradong photo-ops ng mga pekeng surrenderee, mali-maling intel reports gaya ng katawa-tawang listahan ng mga personaheng NPA umano at samu’t sari pang mapanlinlang at manipuladong impormasyon. Titigil lamang ito kapag nabuwag na ang NTF-ELCAC, iba pang mga makinarya ng pang-aatake sa masa at napabagsak na ang utak ng lahat ng kampanyang saywar at disimpormasyon – ang pasistang rehimeng US-Duterte.
KM-Bikol sa pagkakasibak ni Maj. Gen. Alex Luna at patuloy na red-tagging sa mga unibersidad