Komento ng NPA-Bicol sa paghuramentado ng isang CAFGU sa Sorsogon
Kung halimaw ang puno, halimaw rin ang bunga. Ang berdugong pagkahubog sa grupong paramilitar na CAFGU ay ilinuwal ng mas masahol pang kultura ng brutalidad at karahasan ng berdugong AFP. Hindi na nakagugulat ang nangyaring pag-aamok ng isang CAFGU member sa Brgy. San Isidro, Sta. Magdalena, Sorsogon sa loob mismo ng kanilang detatsment. Isa lang ang naturang pangyayari sa ‘di mabilang na patunay ng pang-aalipusta’t pang-aalipin ng AFP sa CAFGU. Mano’t hindi masisisraan ng ulo ang mga CAFGU kung mas matindi pa sa aso ang pang-uulol sa kanila. Matapos sapilitang reklutahin at alisin mula sa kanilang sakahan at kabuhayan, gagawin lamang silang punching bag, utusan, tagalinis ng sapatos, tagasalo ng pang-aalimura at pain sa mga operasyon ng kanilang mga upisyal. Anong kapalit? Wala.
Sadyang walang mapapala sa pagsapi sa CAFGU o AFP. Nananawagan ang RJC-BHB Bikol sa lahat ng mga inaabusong CAFGU na isiwalat at ilahad ang tunay nilang kalagayan sa kamay ng kanilang mga halimaw na amo. Higit sa lahat, bukas ang mga sona ng BHB-Bikol sa sinumang mulat-sa-uring armadong tropa ng estado na nagnanais tumiwalag sa kultura ng brutalidad ng AFP at PNP at sumampa, dala ang kanilang mga armas, sa Bagong Hukbong Bayan!
Isulong ang digmang bayan! Sumampa sa Bagong Hukbong Bayan!