Komento ng PKM-Bicol sa ‘state of calamity’ ni Duterte
Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Bicol | NDF-Bicol | National Democratic Front of the Philippines
September 23, 2020
Wala namang tunay na pakinabang ang mamamayan sa painalawig na state of calamity. Hindi nakapaloob sa deklarasyon ang pagbibigay ng sustento sa mamamayang nawalan ng kabuhayan dahil sa Covid-19. Sa halip, lisensya lamang ito para sa militar at pulis na abusuhin pa ang pandemya at krisis upang maghasik pa ng lagim sa kanayunan at kalunsuran.
Hindi pa nga dumarating ang pandemya, hinaharap na ng masang Bikolano ang higit pang malalang kalamidad ng pasismo at diktadurang iwinawasiwas ng rehimeng US-Duterte.
Komento ng PKM-Bicol sa 'state of calamity' ni Duterte