Labanan ang Tumitinding Krisis sa Pagkain, I-Boykot ang Imported na Galunggong!
Kinikilala ng rebolusyonaryong kilusan ang mayamang karanasan at tagumpay ng sama-samang pagkilos ng mga mangingisda sa probinsya ng Sorsogon sa iba’t ibang laban nito mula pa noong 1999 katulad na lamang ng mga naging laban sa color coding ng mga bangka at ang pagbibigay ng hangganan o boundary sa mga lugar ng pangisdaan. Kasabay din nito, nilabanan ang illegal fishing sa loob ng probinsya. Makasaysayan din na hinarap ng mga mangingisda ang laban sa mina at Balikatan Exercise noong 2009 sa panahon ng rehimeng US-Arroyo.
Sa pag-upo ng mga sumunod na rehimen, hindi umunlad ang kalagayan ng mga mangingisda , bagkus ay kakarampot na lang ang kinikita nila . L alo pa itong pinatindi ng kasalukuyang rehimeng US – Duterte, ginamit na sitwasyon ang gawa-gawang krisis diumano sa pagkain na nangailangang mag-import mula sa ibang bansa kabilang na ang isdang galunggong .
Nitong mga nakaraang linggo ay naglabas ng panukala ang ilang mambabatas na maibsan ang krisis na dulot ng mataas na implasyon sa bansa kung maglalabas ng Executive Order o kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapababa ng taripa sa mga iniimport na mga pagkain tulad ng gulay at isda . Nauna na rito ang ilang kautusan kaugnay sa pag -import ng bigas .
Bukod s a pag-iimport ng isdang galunggong sa ibang bansa, nagbibigay ang rehimeng US-Duterte ng luwag sa itinalagang hangganang kilometrong layo sa municipal waters na laan lamang sa mga maliliit na mangingisda na pasukin ng mga malalaking komersyo sa pangingisda.
Dagdag pa ang panibagong panukala sa loob ng probinsya ng pagrerehistro ng mga bangkang de -motor mula sa laking FUSO na nagkakahalaga ng 30 libong piso at sa katamtamang laki na mula sa lima hanggang 10 libong piso at ang pagpapatupad ng color coding sa mga bangka. May mga bayan din na nagpapatupad ng pagbabawas ng P15.00 piso sa bawat banyera/ chest (P10.00 para sa buwis at ang P5.00 ay para sa bagahe) na i niaahon laluna sa bayan ng Bulan .
Ang gubyerno ng rehimeng US-Duterte mismo ang nagtutulak sa mamamayan lalo na sa sektor ng mangingisda na tumindig ayon sa kanilang karapatang malaon nang niyurakan ng rehimeng ito sa pagbibigay puwang sa mga malalaking mamumuhunan at dayuhang mandarambong habang sinisikil at pinapatawan ng samu’t saring patakaran ang maliliit na mangingisda.
Kaugnay nito, sinusuportahan ng Celso Minguez Command ang pagkilos ng mga mangingisda sa ilalim ng progresibong organisasyon ng PAMALAKAYA na i-boykot ang isdang galunggong na manggagaling pa sa ibang bansa sa darating na Setyembre 1, 2018.
Ibayong pumupukaw sa kamulatan ng mamamayan upang lumaban ang tumitinding pambubusabos ng rehimeng Duterte sa hanay ng mamamayan laluna na sa mangingisda. Kaugnay nito, bukas ang CMC-BHB Sorsogon na tanggapin ang sinumang handang sumapi sa hukbo mula sa sektor ng mangingisda na handang mag-ambag ng buong panahong pagkilos bilang pultaym na hukbo ng aping mamamayan laban sa nagnanaknak na bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal.
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Samuel Guerrero
Tagapagsalita
Celso Minguez Command (BHB- Sorsogon )