Labanan at Biguin ang CSSP-Oplan Kapayapaan, Kampanyang Pagpapasurender sa BHB at mga pinaghihinalaang Simpatisador ng BHB Ng Rehimeng US-Duterte


NPA-West Camarines Sur (Norbern Gruta Command)

Noong pinutol ni Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP ay kagyat na inanunsyu ang lokalized peace talk na kung saan isang panghahati at panlilinlang na taktika na hindi na bago para rebolusyunaryong kilusan o sa CPP/NPA/NDF.Tulad ng mga nagdaang Administrasyon laging may oplan na nakadisenyo sa US-counter insurgency guide na kung saan napapalooban ng komprehensibong programa sa pulitika,ekonomiya at militar sa layuning durugin ang rebolusyonaryong kilusan.Paulit ulit din ang disenyong ito at di nagtatagumpay ang mga oplan na nabanggit dahil di naman nireresolba ang ugat kung bakit may sibil war sa Pilipinas o insurhensiya.Sa kasalukuyang administrasyon ng Rehimeng US Duterte nananalasa ang oplan kapayapan sa mga luagar na kinukonsiderang balwarte ng CPP/NPA/NDF O malakas ang rebolusyonaryong kilusan.Pilit na pinapamukha ng mga utusang militar sa taong baryo ang kabutihan raw ng gobyerno ni Duterte sa pamamagitan ng kung ano anung buladas para pagtakpan ang mga kabulukan,pasismo,teranyang pamamalakad sa pamamagitan ng Diktaduryang sestema ng gobyerno.

Sa bahagi ng Camarines Sur bayan ng Libmanan at Pasacao sa kasalukuyan todo ang CSSP-OPLAN KAPAYAPAAN/PDT na ipinapatupad ng 9th IB charlie coy,Saklaw ang mga baryo ng Ta-nag,VillaSocoro,Mambolo,Pag-oring,Cambalideo,Magsaysay,Calabnigan,Odok,Malinao,Bagamilon sa bayan ng Libmanan,at sa bayan ng Pasacao ay ang baryo ng Bagong Silang at Salvacion,Tilnac,San Antonio.Nag-umpisa ang PDT naito noong petsa 26 ng Septembre 2018 hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang ginagawang PDT sa nabanggit na lugar.Ang mga aktibidad ng pwersa mula sa 9thIB ang mga sumusunod;Pagcensus sa taong baryo,paghahanap at pagkombense sa kapamilya ng pinaniniwalaan nilang kasapi ng NPA na magsurender at mga kumilos sa lokalidad na nasa listahan nila,pamimigay ng papel na may nakasulat ng mga presyo ng mga baril na hawak ng NPA para matukso o makumbinse na sumuko sa kanila.Dagdag pa ay ang pananakot o sywar na kung walang ID at di magpacensus ay di na makakauwi sa sariling lugar,Naglalako pa na kung anu- anong programa ng gobyerno para daw sa kaunlaran at inaalam ang mga lupang tinitirahan o sinasaka ng mga taong baryo kung sarili o kung sino ang nagbigay pahintulot sa kanila para makapagsaka sa lupang pinagsasaka nila.Ang lahat na ito ay di na bago at dati na nilang ginagawa noong nakalipas o nakaraang.Itoy panlilinlang at panloloko para pakalmahin ang lihitimong paglaban ng mga rebolusonaryo na naghahangad ng pagbabago sa lipunang puno ng kasamaan,pang-aapi at pasasamantala ng mga naghaharing uri sa dikta ng Imperyalismong Estados Unidos sa Sambayanang Pilipino lalo na sa masang anakpawis na kung saan lagit laging biktima ng kalupitan,karahasan,pang-aapi at pagsasamantala.Napatunayan na sa kasaysayan at sa nakaraan na kahit ilang ulit pang oplan at kampanyang pagpapasurender sa mga rebolusyonaryo ay bigo ito dahil salungat at di tumutugma sa problema ng mamamayan ang ginagawa ng nagdaan at kasalukuyang gobyerno para lutasin ang ugat ng insurhensya sa Pilipinas.

Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP PANEL ay syang daan para lutasin ang ugat kung bakit may digmaang sibil sa Pilipinas dahil ang laman nito o agendang mga napagkasunduan ay ang mga problemang nararanasan ng sambayanang pilipino at siyang dahilang kung bakit may Digmaan Bayan sa Pilipinas..Hindi ang Oplan kapayapaan, localized peace talk
at pagpasurender sa CPP/NPA/NDF ang solusyon ng Insurhensya .

Kaya nanawagan ang NGC-BHB west CamSUR sa lahat ng masa,taong baryo sa mga lugar na nasa PDT sa bayan ng Libman,Pasacao at maging sa iba pang lugar at sa lahat ng kasapi ng Bagong Hukbong Bayan,na huwag magpadala sa mga panlilinlang,panluluko ng kasalukuyang gobyerno gamit ang mga pasitang militar at pulis para proteksyunan ang interes ng mga mapagsamantala at mapang-aping uri sa lipunan,Ang karanasan at mga aral natin sa loob ng halos limang dekada sa pakikipaglaban ay gawin nating sandigan para wakasan ang lipunang puno ng kasamaan at itayo ang lipunang maghahari ang kabutihan at ang karamihan sa pamumuno ng mga proletaryado, Na sa bandang huli abutin ang lipunang komunismo ang lipunang walang uri at walang magsasamantala at mang-aapi.

Mabuhay ang CPP/NPA/NDF!
Labanan ang opkap!
Biguin ang localized Peace Talk! Ituloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP!
Isulong ang DRB sa mataas na Antas!
Ibagsak ang Teraniko,pasimong pamamalakad ni Duterte!

Labanan at Biguin ang CSSP-Oplan Kapayapaan, Kampanyang Pagpapasurender sa BHB at mga pinaghihinalaang Simpatisador ng BHB Ng Rehimeng US-Duterte