Labing-apat na armas nasamsam sa matagumpay na taktikal na opensiba ng BHB-Camarines Norte
Labing-apat na armas nasamsam sa matagumpay na taktikal na opensiba ng BHB-Camarines Norte
Mapulang pagpupugay ang nais iparating ng Romulo Jallores Command-BHB Bikol sa lahat ng pulang mandirigma at kumander ng Bagong Hukbong Bayan na nagsagawa ng matagumpay na paglusob sa mga pwersa ng 2nd Police Mobile Force Company (PMFC) sa Purok 6, Sitio Nalisbitan, Brgy. Dumagmang, Labo, Camarines Norte noong gabi ng Marso 19, 2021.
Labing apat na nasamsam na armas ang irinesulta ng hindi lalampas sa 15 minutong sorpresang atake ng mga kasama sa nakahiwalay na iskwad ng PMFC. Kabilang sa mga nasamsam ang isang general purpose machine gun o baby M60, isang M4, anim na Galil at anim na short firearms (Glock) at marami pang gamit militar tulad ng mga bala at magasin. Lima ang naiulat na kagyat na nasawi sa hanay ng mga pulis. Samantala, tatlong sugatang PNP ang sumuko at nalapatan ng paunang lunas ng mga medik ng Bagong Hukbong Bayan. Kasalukuyang inaalam pa ng kumand ng BHB ang iba pang pinsala sa hiwalay na mahigit-kumulang 50 pang elemento ng PMFC na nakapwesto 300 daang metro ang layo sa pinaglunsaran ng reyd.
Naging madali para sa hiwalay na pormasyon ng BHB ang pagpin-down sa kampo ng Bravo Company ng 96th Infantry Batallion sa parehong barangay. Litaw ang ribalan ng pulis at militar sa pag-aagawan sa pagkolekta ng suhol mula sa pagmimina sa lugar kung kaya’t sadyang walang pakialam ang mga militar sa kinakaharap ng mga pulis sa di-kalayuan. Mabilis at ligtas na nakaatras ang mga pulang mandirigma nang walang anumang pinsala.
Ang 2nd PMFC ay notoryoso sa Camarines Norte bilang aktibong galamay ng rehimeng US-Duterte sa pagpapatupad ng gera kontra-insurhensya. Ang partikular na kumpanya ng PNP ay nakatalaga para protektahan ang interes ng mapanalasang dayuhang pagmimina sa Brgy. Dumagmang. Sa loob ng mahigit tatlong taong pananalasa ng panunupil at karahasan sa bayan ng Labo, aktibo ang papel ng Philippine National Police sa mga ilinulunsad na operasyong militar at Retooled Community Service Program ng AFP-9th ID sa lugar. Ngayong Marso lamang, tampok ang kanilang karumal-dumal na pagpaslang sa mga sibilyan sa nasabing prubinsya, ibang bahagi ng rehiyon at sa CALABARZON sa ilalim ng Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na itinutulak ng PNP at NTF-ELCAC sa buong bansa.
Ang anihilatibong taktikal na opensiba ng Armando Catapia Command-BHB Camarines Norte ay patunay na hindi maglulubay ang buong RJC sa pagpapanagot sa mga ahente ng estado sa mga kahindik-hindik nitong krimen laban sa mamamayan. Patunay din ang makataong pagtrato at pagbibigay ng paunang lunas sa tatlong sugatang sumuko mula sa hanay ng PNP ng mulat na disiplinang bakal ng Pulang Hukbo sa pagsasakatuparan nito ng makatarungang digma ng mamamayan para sa mamamayang anakpawis. Higit sa lahat, patunay ang matagumpay na aksyong militar ng mga kasama na tanging sa pamamagitan ng pagtangan ng armadong pakikibaka at pagpapakahusay dito makakamit ng lipunang Pilipino ang mapagpasyang pagpapanagot at pagdurog sa pangil ng pasista at teroristang estado hanggang sa tuluyang pagkaabo nito.
Nasa satuyang pagbungkaras an pagkalda sa katingatingan! Nasa satuyang kamot an satong kapangganahan! Kita an paglaom kan banwaan! Mabuhay ang ika-52 anibersaryo ng PKP at BHB!