Laganap na miltarisasyon at paglabag sa karapatang-pantao ng mga sibilyan sa Central Negros, kinokondena ng LPC-NPA!
Mariing kinokondena ng Leonardo Panaligan Command-New People’s Army (LPC-NPA) ang walang patumanggang pinagbabaril ng matataas na kalibre ng armas ng mga kasundaluhan sa ilalim ng 62nd Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) kung saan namamahinga sa isang kubo ang limang sibilyan sa So. Catuptop, Bray. Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental kaninang alas 8:00 ng umaga, ika-20 ng Hulyo 2022.
Sa inisyal na imbestigasyon ng LPC-NPA sa pangyayari, ayon sa ulat nasawi sa nasabing pangyayari si Pompeo Landisa, magsasaka at residente ng nasabing lugar habang nakaligtas at nakatakbo ang iba pang kasamahan nito. Itinanim lamang ang nakuhang baril sa pangyayari at walang naganap na engkwentro sa pagitan ng mga berdugong tropa ng 62nd IBPA at yunit ng LPC-NPA.
Sa kabilang banda, kinokondena rin ang pag-aresto kay Ramonito Mahinay na resisdente ng So. Kamanggahan, Brgy. Tabon, Valle Hermoso sa isinampang gawa-gawang kaso na illegal possession of firearms kung saan itinanim lamang sa kanya ang nakuhang baril noong Hulyo 9 taong kasalukuyan.
Kung matatandaan, inaresto rin si Nelfa De lima sa gawa-gawang kaso at tinaniman ng baril at eksplosibo gayundin ang pagpangharass at pamamaril ng mga AFP at PNP sa mga magsasaka na pinararatangang myembro ng New People’s Army.
Talamak ang nasabing kalakaran ng mga pasista at berdugong Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pag-atake sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan at sibilyan laluna sa kanayunang saklaw ng Central Negros.
Nagbunga ito ng takot, pagkasira ng pamumuhay, dislokasyon at pangangamba sa seguridad na mabuhay ng malawak na mamamayan na naninirahan sa kanayunan.
Malaking hamon sa mga mamamayan na maninidigan at igit ang karapatan. Makibaka at huwag matakot!