Lehitimong Target ng NPA ang mga ahente ng AFP-PNP

,

Ang hakbang pamamarusa kay Randy Rustia ng NPA noong Abril 7 ay parte ng sistemang hudisyal ng demokratikong gubyernong bayan na nakakasaklaw sa lugar.

Pinarusahan siya ng hukbong bayan batay sa kautusan ng hukumang bayan kaugnay sa naistablisang krimen niya laban sa mamamayan at kilusan. May sariling batas at hustisya ang demokratikong gubyernong bayan at prosesong hudisyal kung saan napatunayan nang walang pagdududa ang kasalanan at krimen ni Randy Rustia.

Kabilang sa mabibigat na kasalanan at krimen ni Rustia ang makailang beses na pagbibigay ng eksaktong impormasyon sa puwesto at komposisyon ng yunit ng NPA na nagresulta sa mga presisong strike operations ng sundalo at pulis. Nagresulta ito ng pagkamatay, pagkasugat at pagkaaresto ng nagkakailang pulang hukbo.

Hindi totoong ordinaryong sibilyan si Randy Rustia kagaya ng gustong palabasin ng mga kusinero ng fake news ng 85IBPA.

Si Rustia ay armado at aktibong ahente ng sundalo at pulis. Kabo siya ng iligal na jueteng na ginagamit niyang tabing sa pag-eespiya upang kasabay na maisagawa ang misyong ipinapatrabaho sa kanya.

Nalagasan ng matapat na alagad ang sundalo at pulis, nawalan sila ng masugid na tiktik sa rebolusyonaryong kilusan at sa mamamayan kaya ganun na lamang ang pagmamarakulyo nila sa pagkakapaslang kay Rustia.

Nakakagat-nila-ang-sariling-dila sa kaipokritohan na manawagan ng pagtatanggol sa karapatang tao ni Rustia at pekeng malasakit sa naulilang pamilya gayong malaki ang kinikitang pabuya ni Rustia sa mga impormasyon na ibinibigay niya sa sundalo at pulis.

Laway-na-laway ang sundalo at pulisya na makapagbulaan para patuloy na siraan ang rebolusyunaryong kilusan habang wala-silang-pakialam sa humahabang listahan ng kanilang pinapaslang na mga inosenteng sibilyan batay sa hinalang may kinalaman sa armadong rebolusyonaryong kilusan. Pinakahuli sa mahabang listahan ng krimen nito ay ang pagpatay sa 9 na aktibista noong Marso 7 na tinaguriang Bloody Sunday at sa pagpaslang sa lider unyonistang si Dandy Miguel noong Marso 28.

Sa lalawigan, kabilang sa biktima ng sundalo at pulis ang dating kagawad ng Magsaysay, General Luna na si Mando Buisan na pinaslang ng kanilang mga hitman noong Nobyembre 13, 2020. Noong 2018, pinatay rin si Nanay Fe delos Santos, ina ng kumander ng NPA, at si Egay Tabien, empleyado ng munisipyo ng Lopez.#

Lehitimong Target ng NPA ang mga ahente ng AFP-PNP