LUMALALANG KAHIRAPAN ANG DULOT NG MILITARISASYON SA MAMAMAYAN NG DANDANAC
Malalang kahirapan ang kinakaharap ng mamamayan sa loob ng isang buwang pag-ooperasyon ng militar at pulis sa Sityo Dandanac, Brgy. Tamboan, Mt. Province.
“Pinalalala ng matagal na pagkakampo ng militar sa loob ng aming baryo at ng paghihigpit sa amin ang dati nang mahirap na kalagayan namin,” sabi ni Ka Dominic, isang lider magsasaka sa Dandanac.
Mula noong Hulyo 13 hanggang kasalukuyan, nagpapatuloy ang mga operasyon ng Alpha Coy ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army na pinamumunuan ni 1st Lt. Jade Lyzterdan Padinas Gavino, kabilang ang Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng Philippine National Police (PNP).
Nagpataw ang mga ito ng mga patakaran na tila martial law, na nagdudulot ng takot sa taumbaryo at nagpapalala sa krisis pangkabuhayan.
Krisis sa kabuhayan
“Hindi na namin maharap ang sakahan namin, panahon pa naman na ng anihan. Nag-aalala ako kung ano ang mangyayari sa mga tanim ko ngayong tag-ulan,” paliwanag ni Ka Dominic.
Sa Dandanac, karamihan sa higit 80 kabahayan ay may maliit na bukid, na may abereyds na 1/4 ektarya ang lawak. Dalawang beses sa isang taon ang karaniwang cropping. Nataon sa anihan ng palay, mais at mani ang pagsisimula ng operasyon.
Ang karaniwang ani sa isang bukid na may lawak na 1/4 ektarta ay umaabot sa higit limang kaban ng bigas na nagkakahalaga ng Php 9,450 at maaaring makonsumo ng isang pamilya sa loob ng 52 araw. Kung mababawasan pa ito ng sangkatlo dahil sa bagyo o peste, ang maiiwan ay sasapat lamang sa loob ng 35 araw.
Dahil nagkukulang ang ani para sa pangangailngan ng pamilya, kinakailangang maki-pordia (arawang sahurang trabaho sa construction, atbp.) ang mga taumbaryo para matugunan ang mga pangangailangan.
Ang karaniwang sueldo sa pakiki-pordia ay Php 150, kung kaya malaki din ang mababawas sa buwanang inkam ng pamilya ngayong ipinagbabawal ng militar na lumabas ng baryo, maliban sa mga may dalang sedula.
Ang higit Php 750 na inkam sa loob ng isang linggo ay kalahati lang ng ng daily cost of living ng isang pamilya.
“Hangga’t nanatili ang militar dito sa baryo namin ay lalala nang lalala ang pagkalugmok namin sa hirap,” pagtatapos ni Ka Dominic.
Paglabag sa karapatang pantao
Dinadagdagan ng 81st IB ang kanilang mahaba nang listahan ng paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan ng Cordillera at Ilocos.
Maliban sa paghahasik ng takot at pagyurak sa pagkakaisa ng mamamayan, ang pagkakamoo sa loob ng baryo y paglabag din sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Kabi-kabila rin ang mga kaso ng harassment, pananakot at pang-iipit sa mga taumbaryo at kider-magsasaka na tulad ni Ka Dominic.
Ipinapatupad nila ang mga pasistang patakaran katulad ng curfew, pagbabawal na lumabas ng baryo, paghahalughog sa mga bahay, kubo at agagamang kahit walang mandamyento. Inakusahan din ng 81st IB sina Edmund at Saturnino Laus Dazon, nga magsasaka sa Dandanac, bilang nga terorista at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso.
Sa harap ng sunod-sunod na pagkatalo nila sa mga kamay ng mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), tiyak na mabibigo ang 81st IB at PNP sa kanilang bulag na pagpapatupad ng dikta ng rehimeng US-Duterte na durugin ang rebolusyonaryong kilusan.
Iti sango ti nagsarsaruno a pannakaabak da iti ima dagiti Nalabbaga a mannakigubat ti New People’s Army (NPA), sigurado a mapaay da iti bulag a panangpatungpal ti 81st IB ken PNP ti diktar ti rehimen ni Rodrigo Duterte a buraken ti rebolusyonaryo a tignayan.
Makibaka!
Mahigpit na kinukundena ng Cordillera People’s Democratic Front (CPDF) at lahat ng rebolusyunaryong pwersa sa Mt. Province ang pag-ooperasyon at paglabag sa karapatang pantao ng mga trop ng 81st IB at iba pang armadong pwersa ng reaksyunaryong estado.
Patunay ang mga ito na ang pagputol ni Duterte sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at NDFP ay para bigyang daan ang mas maigting na operasyon ng AFP.
Sa harap ng lumalalang krisis pang-ekonomya at panlipunan, tiyak na paititindihin ni Duterte ang kanyang all-out war laban sa mamamayan para manatili sa poder at patuloy na makatanggap ng suporta ng kanyang among imperyalista at mga lokal na burgesya komprador at panginoong maylupa.
Tulad sa ibang bahagi ng Cordillera, magiting ang kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayan ng Dandanac para sa buhay, lupa, likas na yaman, at karapatan sa sariling pagpapasya.
Patuloy na itinutulak ng kahirapan, karahasan ng estado, at pagkabulok ng sistema ang mamamayan na magkaisa at lumaban para sa tunay na hustisya at kapayapaan.
Palayasin ang 81st IB! Labanan ang militarisasyon sa Cordillera!
Biguin ang all-out war ni Duterte!
Ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan!
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!
####
CORDILLERA PEOPLE’S DEMOCRATIC FRONT
C P D F – Mountain Province
PAHAYAG NG CORDILLERA PEOPLE’S DEMOCRATIC FRONT – MOUNTAIN PROVINCE
Agosto 22, 2018