Lumalawak na militarisasyon sa kanayunan ng Central Negros, kinukundena ng mamamayan

Simula nitong unang buwan ng hunyo ngayong taon, nakaranas ng malawakang militarisasyon mamamayan ng Central Negros sa kanayunan.

Noong Hunyo 17, 2019 hanggang sa kasalukuyan nagpapatuloy ang operasyon militar na aabot 15 kasundaluhan sa ilalim ng 62nd IBPA ang sumakop ng 4 na baranggay, ang Brgy. Mansalanao, Brgy. Camandag at Brgy. Manghanoy na sakop ng La Castellana, Negros Occidental. Meron din separadong tropa militar na nag-operasyon na nasa 15 tropa sa sakop ng Brgy. Sag-ang sa kaparehong bayan.

Napapaulat na ang nilalayon ng nasabing operasyon militar ay pinaghahanap nila ang umano’y myembro ng New People’s Army na namataan sa lugar.
Nagbunga ito ng takot sa mga residente sa lugar sapagkat iniimbestiga nila ang ultimong magsasaka lamang, pinaghahanap din kung sino ang pinuno ng asosasyon ng mga magsasaka, at pinabuksan ng mga militar ang bodega ng asosasyon nila sapagkat pinaghinalaang pinagtataguan ng NPA.

Sa kanilang banda, dumating mga alas  6:00 ng gabi ang nasa 15 kasundaluhan sa So. Tubod, Brgy. Macagahay, Moises Padilla, Negros Occidental at kasalukuyang namalagi sa Brgy. Hall at public plaza.

Noong nagdaang linggo, tumagal ng apat na araw ang operasyon ng mga militar Hunyo 09 hanggang Hunyo 13 ang nasa 27 kasundaluhan din sa ilalim ng 62nd IBPA ang nag-operasyon sa Brgy. Riverside, Isabela, sakop ng kaparehong lalawigan. Namalagi sila sa plasa malapit sa paaralang elementarya, at ang iba ay nasa tribal hall.

Nananatili pa rin ang mga presensya ng PDT (Peace and Development Team) sa ilalim ng 94th IBPA sa sakop ng Brgy. Planas, Guihulngan City na naging sanhi ng pagransak ng clinic ng KASAMA-PA, pagkasara tindahan ng kooperatiba ng mga magsasaka ng nasabing baranggay noong nakalipas na mga buwan. Mayroon ding presensya ng kaparehong tropa militar sa Brgy. Binobohan, Brgy. Tacpao, Brgy. Sandayao kapwa sakop ng Guihulngan City, Negros Oriental.

Nagiging banta sa seguridad ng mga residente ang presensya ng mga militar sapagkat nagpapatuloy ang kanilang paghahasik ng lagim sa kanayunan at trauma sa naganap na SEMPO 1 at 2 na nagkalas ng 20 buhay ng mga karaniwang magsasaka. Nag-aresto ng nasa 70 inosenteng sibilyan, pagransak at pagsunog ng mga tirahan, dislokasyon sa kanilang lugar at pagkahinto ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral.

Malakas pa rin na pinananawagan ng mga mamamayan ng Central Negros na bigyan ng katarungan ang kasakiman at pandarahas ng mga uhaw sa dugo na tropa militar laluna ng 94th IBPA, 62nd IBPA, ang nagbabalik na teroristang tropa ng 11th IBPA, PRO-7, at iba pang mersenaryong pwersa ng reaksyunaryong estado.

Tanging hiling nila na palayasin ang mga militar sa kanayunan at ibasura ang hindi makataong MO#32, at hustisya sa lahat ng biktima ng SEMPO/ Oplan Sauron 1 at 2.

#AFPBerdugo
#LayasMilitarSaKanayunan
#OustDuterte

Lumalawak na militarisasyon sa kanayunan ng Central Negros, kinukundena ng mamamayan