Lumilikha ng senaryo ang rehimeng US-Duterte upang bigyang-katwiran ang batas militar — NPA-Bicol
Desperadong gumagawa ng senaryo ang rehimeng US-Duterte upang bigyang-katwiran ang pagdedeklara ng batas militar sa bansa. Sunud-sunod na linabag ng Government of the Republic of the Philippines ang sarili nitong deklarasyon ng tigil-putukan. Sinasangkalan ng rehimeng Duterte ang isyung pangkalusugan para higit pang mapalawig ang diktaturyal na interes nito.Paniniktik, pananakot at panhaharas ang dala ng militar at pulis sa mga baryo at hindi ayuda. Tabing ang kampanya kontra-Covid-19 para sa higit na panghihimasok at pananatili sa mga komunidad, pagmamanman sa mga pinaghihinalaang kilos ng BHB at paniniktik sa mga taumbaryo.
Nitong Abril 19, 2020, sinalakay ng pinagkumbinang pwersa ng AFP at PNP ang isang yunit ng Pulang hukbo sa San Fernando, Masbate. Nagsasagawa ng information drive ang yunit ng NPA bilang bahagi ng programa ng CPP-NPA-NDF sa pagharap sa epekto ng COVID-19 sa buhay at kabuhayan ng magsasaka. Tatlo ang iligal na inaresto at ipinarada ng 2nd IB at PNP bilang mga kasapi ng milisyang bayan matapos mabigong bigwasan ang BHB sa Aroroy, Masbate noong Abril 10. Nanunog pa ng bahay at sapilitang pinalayas ang dalawang residente mula sa kanilang bahay.
Mahigpit na nananawagan ang RJC-BHB Bikol sa mamamayang Pilipino na sama-samang labanan at biguin ang batas militar ng rehimeng US-Duterte. Sa kabila ng matitinding atake ng militar at pulis, ipagpapatuloy ng Pulang hukbo ang gawain nitong makapagpalaganap ng impormasyon hinggil sa Covid-19, mag-organisa at umagapay sa masa upang mapangibabawan ang krisis sa ekonomya at kalusugan at magmobilisa para sa ibayong pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Hindi bibitiwan ng BHB ang tungkulin nitong pagsilbihan at ipagtanggol ang masa. Mananatili ito sa posturang aktibong depensa upang protektahan ang sarili at ang masang nakapalibot mula sa mga patraydor na atake ng AFP-PNP-CAFGU.
Biguin ang batas militar ng rehimeng US-Duterte!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Talingkas sa pagkaoripon!