Maaaring sumuko ang mga pwersa ng AFP at PNP para iwasang ang pagkawala ng buhay
Read in: English
Ang reyd ng BHB sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte nooong Biyernes ay isang lehitimong aksyong militar na naaayon sa internasyunal na alituntunin sa paglulunsad ng digma. Ang target, isang kontra-insurhensyang istasyon ng mahusay na sinanay na espesyal na pwersa ng pulis, ay isang lehitimong target militar.
Napaslang sa labanan ang limang tropang pangkombat ng pulis. Armado at nagtanggol sila ng kanilang sarili.
Dahil nagapi ng BHB, pinili ng tatlong tropa ng pulis na sumuko. Maayos ang naging trato sa kanila ng BHB. Ang mga sugatang tropa ng PNP ay nilapatan ng paunang lunas ng mga medik ng BHB bago lumisan sa pinangyarihan ng labanan.
Ang tatlong nakaligtas sa reyd ng BHB ay matalinong piniling sumuko, lalo na pagkatapos maging malinaw sa kanila na ang mga tropang pangkombat ng 96th IB na nakakampo sa parehong barangay ay hindi magpapadala ng pwersang pangreimpors.
Hinihimok namin ang mga sundalo ng AFP at PNP na sa panahong makakasagupa ang BHB, higit lalo ang isang superyor na pwersa ng BHB, na piliing sumuko at isuko ang kanilang mga armas para maiwasan ang pagkawala ng buhay.
Tinitiyak ng BHB ang mga susukong tropa ng kaaway na hindi sila sasaktan at ang gagalangin ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng Geneva Conventions kaugnay ng kondukta sa gera.