Mabangis na Intel Asset sa Brgy. Mabunga, Pinarusahan ng LPC-NPA

 

Ipinagbunyi ng malawak na sambayanan ang matagumpay na pagpapatupad ng Leonardo Panaligan Command- New People’s Army (LPC-NPA) ng parusang-kamatayan sa isang mabangis na intel asset na si Kagawad Ramonito Handumon ng Brgy. Mabunga, Guihulngan City, Negros Oriental. Nasamsam sa kanya ng SPARU team ng LPC- NPA ang isa ka kalibre .45 noong Agosto 28, 2019, alas 5:00 ng hapon.

Base sa masusing pasusuri’t imbestigasyon, nahatulan ng Rebolusyonaryong Korte ng Bayan si Handumon dahil sa aktibo ito sa kontra-kilusan na aktibidad sa pakikigkolabora nito sa PNP, paniniktik sa mga aktibidad ng mga residente sa lugar, nag- uulat sa PNP at nananakot sa mga mamamayan hangga’t sa kaniyang mga hinihinalaang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan.

Napatunayan na isa rin si Handumon sa mga intel asset ng mga PNP na may kinalaman noong naganap na SEMPO/ Oplan Sauron- 1 sa lungsod ng Guihulngan saan 6 lahat na buhay ng mga magsasaka ang pinaslang at mahigit sa 50 na mga mga sibilyan ang inaresto sa gawa-gawang kaso.

Naging talamak sa nasabing lungsod ang kagaya nitong karahasan dahil sa pagred-tagging sa mga mamayan na nasa progresibong organisasyon, asosasyon ng mga magsasaka at nakikibaka para sa pagkamit ng demokratikong karapatan para sa tunay na reporma sa lupa at hustisya sosyal, na siya ring naging nangungunang biktima’t target ng maraharahas na operasyon ng mga militar, pulis, riding-in-tandem, at mga Duterte Death Squad.

Sa kabila nito, kasinungalingan ang pinapahayag ng mga PNP na nag-imbestiga na nakabonnet ang mga operatiba ng NPA na nakalaan sa pagparusa kay Handumon. Nagpapakilala lamang na gusto palabasin ng mga bayarang AFP at PNP na ang NPA ang sa likod ng mga pamamaslang ng mga nakabonnet sa Central Negros at sa buong isla.

Sa katunayan ang NPA ang hayagan na nagpapakilala at nag-aako ng kanilang aktibidad lalo na sa pagpapataw ng parusang-kamatayan sa mga Kontra- rebolusyonaryo at mga masasamang elemento na nakagawa ng mabibigat na krimen sa pumuluyo.

Kasama ng malawak na mamamayan, hindi tititgil sa paniningil ng hustisya ang LPC-NPA sa mga pasistang tropa militar, mabangis na intel asset ng PNP na nagdududlot ng pinsala sa buhay at kabuhayan ng mamamayan. Depensahan ang kapakanan at buong tapat na maglilingkod at magsusulong ng interes ng sambayanan hanggang sa maabot ang tunay na kalayaan at katarungan.

Hustisya para sa mga biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang sa Guihulngan at buong isla ng Negros! Hustisya sa mga biktima ng Oplan Sauron/SEMPO! Ipatupad ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon bilang ugat ng armadong tunggalian sa bansa!

 

Mabangis na Intel Asset sa Brgy. Mabunga, Pinarusahan ng LPC-NPA