Mabuhay ang ika-34 anibersaryo ng CPDF
Binabati ng Kadumagetan ang Cordillera People’s Democratic Front sa okasyon ng anibersaryo nito. Sa 34 taon, binigkis ng CPDF ang mamamayang Kordilyera para sa kanilang sama-samang paglaban para sa kanilag karapatan sa lupang ninuno at sariling pagpapasya.
Hindi hiwalay ang laban ng mamamayang Kordilyera sa laban ng Kadumagetan.
Ang paglaban nila sa Chico Pump Irrigation Project ay mahigpit na kaugnay ng paglaban ng Kadumagetan sa Kaliwa-Kanan-Laiban Dam, Wawa-Violago Dam at iba pang mapanirang proyekto sa Sierra Madre. Kaisa nila ang Kadumagetan sa paglaban sa mga proyektong ito na kumakamkam sa lupang ninuno ng mga pambansang minorya at sumisira sa kalikasan.
Pinagpupugayan ng Kadumagetan ang patuloy na tumitibay na pagkakaisa ng mamamayang Kordilyera sa CPDF. Marapat lamang na kuhanan ng mga pambansang minorya ng lakas ang isa’t isa, at ang buong sambayanang lumalaban.