Mahalagang papel ng kabataan sa tumitinding pasismo at terorismo ng estado
March 20, 2020
Muli na namang naghasik ng lagim ang pasista at teroristang rehimeng US-Duterte sa prubinsya ng Masbate. Nito lang Marso 9- Marso 11, buong desperasyon nitong pinakawalan ang mga alagang halimaw nito sa mga isla ng Ticao at Burias, sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng 91st DRC, BFMR, 2nd IB, MICO, at PNP Masbate, upang maglunsad ng mga serye ng mga atake sa masang Masbateño.
Sa loob lamang ng tatlong sunod sunod na araw, anim ang iligal na dinampot. Ang isa kanila ay si Julian Ceniza, Jr., taga – Brgy. San Carlos, Milagros na tinaniman ng pekeng ebidensya – dalawang granada at 100 pirasong bala ng M16 at mga papeles. Walang pagpapanggap nilang pinatunayan ang kanilang pagiging berdugo at pagkahayok sa dugo nang patayin nila sina Kiko Garamay, 30, taga – Brgy. Rizal, Monreal, at Nongnong Hermena, 50, taga – Sitio Ilawod, Brgy. McArthur. Matinding takot at trauma ang naranasan ng mga anak ni Garamay nang paulanan ng bala ang kanilang bahay. May naitala ring kaso ng pagnanakaw ng bigas at alagang manok at kaso ng sapilitang pagpasok sa bahay, kung saan dalawang cellphone ang ninakaw.
Wala itong ibang layunin kundi ang magpalakat ng takot sa mga residente upang tuluyan silang umalis sa mga lugar kung saan itatayo ang mga mapanirang proyekto sa mina at ekoturismo. Imbis na tuparin ang matagal nang pangako ni Duterte para sa tunay na reporma sa lupa, ginagamit ng estado ang pasismo at terorismo upang patahimikin ang sinumang manawagan para sa kanilang karapatan.
Sa pinaigting na pagpapatupad ng Executive Order No. 70 para sa pagkokonsolida ng diktaduryang paghahari ni Duterte, kailanma’y hindi ligtas ang mga kabataan. Higit pangs pinatindi ang red-tagging sa mga progresibong organisasyon ng mga kabataan, harassment at pagsampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga aktibista lalo na sa mga nagsusulong ng mga karapatang tao.Bukod dito, libu-libong kabataan ang pinaslang o naulila dahil sa madugong gera kontra droga at kontrainsurhensya.
Ilusyon ang ‘seguridad at kapayapaan’ sa isang estadong hindi kumikilala sa karapatan ng mamamayan. Bilang mga tagapunla ng kinabukasan, walang ibang maaasahan ang kabataan kundi ang pagtutulungan at sama-samang pagkilos. Dapat isanib ng kabataan ang kanilang talino at lakas sa abanteng praktika ng masang anakpawis.
Nananawagan ang Kabataang Makabayan-Bikol (KM-Bikol) sa lahat ng mga kabataan na mapagpasyang tanganan ang ating makasaysayang papel sa pagbabago ng lipunan. Bilang mga anak ng bayan, buong tatag na magpukaw, mag-organisa at magpakilos sa malawak na hanay ng kabataan. Lumahok sa digmang bayan at hawanin ang landas tungo sa isang lipunang walang nang-aapi at nagsasamantala.
Pasismo at Terorismo ng rehimeng US-Duterte!
Militarisasyon sa Kanayunan, Labanan at Wakasan!
Kabataan, Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Mahalagang papel ng kabataan sa tumitinding pasismo at terorismo ng estado