Mapagpasyang pagharap ng Armando Catapia Command sa patraydor na pang-aatake ng 92nd Division Reconnaisance Company
Florante Orobia | Spokesperson | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
December 27, 2019
Ipinapaabot ng Santos Binamira Command ang pulang pagsaludo sa mapagpasyang pagharap ng Armando Catapia Command (ACC) sa patraydor na pang-aatake ng mga elemento ng 92nd Division Reconnaisance Company.
Marapat na kundenahin ng mamamayang Albayano ang lantarang pagsalaula ng mga matataas na upisyal ng AFP sa sarili nilang deklarasyon ng suspenyon ng operasyong militar (SOMO) ilang oras lamang ang pagkakaroon ng bisa ng nito.
Nanawagan ang SBC-BHB-Albay sa lahat ng mga elemento ng AFP at PNP na manatili sa kanilang baraks at himpilan. Lantarang ipinasubo sa kapahamakan ang 8 sugatan at tatlong ang napaslang sa kanilang hanay sa isinagawang opersayong kubkob sa Labo, Camarines Norte.
Muli, itinuring ng matataas na upisyal ng AFP ang kanilang mga elemento na parang madaling palitang peon ng chess sa patuloy na pagmamando sa mga itong lumabas sa kanilang baraks at aktibong tugisin ang BHB.
Hinikayat ng SBC-BHB-Albay ang hanay ng AFP-PNP-CAFGU na iwaksi ang kultura ng karahasan at matapat na ipagtanggol ang interes ng mamamayang Pilipino. Ang inyong mga baril ay dapat itutok sa mga tunay na kaaway ng sambayanan, ang mga kurap at makadayuhang upisyal at kanilang mga alipures.
Makakaasa ang mga Albayano na patuloy na panghahawakan ng kanilang mga pulang hukbo ang mahigpit na pagtangan sa mulat at bakal na disiplinang ginagabayan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Hinihikayat ang lahat na itambol ang kanilang pagsuporta para sa pagpapatuloy ng pag-usad ng usapang pangkapayapaan.
Magtalingkas kita sa pagkaoripon!
Lumaban at Lumaya!
Mapagpasyang pagharap ng Armando Catapia Command sa patraydor na pang-aatake ng 92nd Division Reconnaisance Company