Mataas na presyo ng mga farm input, dagdag paghirap sa mga gardinero!

,
Ang artikulong ito ay may salin sa Iloco

Sa ilalim ng paghahari ni Duterte, lalong nalubog sa kahirapan ang mga gardinero, magsasaka, at manggagawang-bukid sa Cordillera. Kasalukuyan nilang hinaharap ang mataas na gastos ng produksyon sa pagtatanim at pagsasaka. Napakataas ang presyo ng mga farm input, tulad ng compleye o 14-14-14 na abono na umabot na ng humigit-kumulang P2,400 kada sako mula sa dating P1,200 noong nakaraang taon, maging ang chicken dung na dumoble pa ang presyo mula ea dating P100. Nagpalala pa ito sa dati nang napakamahal na iba pang mga input tulad ng urea, pesticide, insecticide, herbicide, at fungicide, na sa ngayon ay kontrolado at monopolisado ng mga dayuhang korporasyon at kanilang mga kasabwat na lokal na kapitalista sa bansa.

Ano naman ang masasabi ni Duterte dito? Sa matagal nang panahon, hinahayaan lang ng reaksyunaryibg gobyerno ang pagpasok ng mga malalaki at dayuhang korporasyon ng kanilang mga produkto, mapa-input man, bigas, o mga gulay, na siyang lulunod sa mga lokal na produkto. Samantala, kinokontrol at pinapanatili ng mga lokal na kapitalista ang napakababang farm gate price ng mga produkto ng magsaksaka. Dahil sa kawalan ng sarili nating industriya, maging ang mga kagamitan at input sa pagsasaka ay imported.

Sa ganitong kalagayan ay hindi kataka-taka na ang buhay ng mga gardinero, magsasaka, at manggagawang-bukid ay buhay ng patuloy na pagkalugi! Dapat lamang na ipaglaban ang ating karapatan sa mas maayos na pamumuhay. Ipaglaban ang pagtatakda ng floor price at pagpapataas ng farm gate price ng mga produktong pang-agrikultura, at ang pagpapababa ng presyo ng mga farm input! Ipanawagan ang angkop at sapat na subsidyo at suporta ng gobyerno sa sektor ng agrikultura! Itigil ang importasyon ng mga produktong pang-agrikultura!

Mataas na presyo ng mga farm input, dagdag paghirap sa mga gardinero!