Matagumpay na ambus inilunsad ng JRC-BHB
Binabati ng JRC-BHB Masbate ang mga pulang kumander at mandirigma sa matagumpay na ambus laban sa 14 kataong pwersa ng 2nd IB,PA at CAFGU habang nagsasagawa ito ng combat patrol. Nasamsam sa lugar ang 1 M16 rifle, 1 M14 rifle, 2 magasin ng M14 rifle, bala, mga dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon at iba pang kagamitan.
Dakong alas 8:30 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang nasabing yunit ng Army at Cafgu sa sitio Mangga, Brgy. Mactan, Cawayan, Masbate, nang pagtapat sa pwesto ng mga kasama ay agad itong pinaputukan na nagresulta sa agad na pagkamatay ng 11 sundalo at pagkasugat ng tatlo sa kanila matapos tamaan ng command detonated explosive(CDX). Nagtagal ang putukan na mahigit 20 minutos na nag kanya-kanyang takbo at iniwan ang mga kasamahan nilang sugatan at patay, habang ligtas na nakalayo sa lugar ang mga kasama. Ang pinangyarihan ay di kalayuan sa kanilang kampo sa Brgy. Del Carmen, Uson.
Ang paggamit ng CdEx ay isang mapanlikhang armas at hindi ito labag sa Ottawa Treaty dahil kaiba ito sa inilalarawan ng AFP/PNP na basta na lang sumasabog katulad ng preassure type at time delayed explosives na kahit sino ay pwedeng tamaan. Samantala ang mga panganganyon, pambobomba mula sa taas gamit ang kanilang mga helicopter at eroplano ay mas mataas ang posibilidad na tamaan ang mga walang kaugnayan sa labanan katulad ng nangyari sa Marawi (na mismong kasamahang nilang sundalo ang tinamaan) at iba pang lugar sa Mindanao. Kadalasan ang panganganyon at pambobomba ng AFP ay nagdudulot ng pagkasira ng pananim, alagang hayop at tirahan ng mga sibilyan.
Ang matagumpay na operasyon ay pagpapakita sa patuloy na pagtatanggol ng BHB sa mamamayang Masbatenyo na dumadanas ng pang-aabuso mula sa mga kasapi ng 2nd IB,PA at 22nd Cafgu Battalion. Mahigpit na binabalaan ng JRC-BHB Masbate ang lahat ng mga sundalo at pulis na tigilan niyo ang pagpatay at pang-aabuso sa mga sibilyan katulad ng pagpatay niyo sa apat(4) na habal-habal driver noong Agosto 3, 2015, at marami pang iba.
Pinapasahol ng mga operasyong militar/pulis, kasama ang mga dating NPA na tinalikuran na ang pagsisilbi sa sambayanan at ngayon ay masugid nang tagapagpatupad ng krimenalidad sa kanayunan.
Ipinababatid ng JRC-BHB Masbate sa mga sibilyan, kawani sa pamahalaan, opisyal sa baryo at mga pulitiko na huwag kayong maniniwala sa isinasagawang Civil Military Operation’s(CMO) na ikinokuble sa relihiyong USAFFE at pag-oorganisa sa mga magsasaka para sa Disaster Response dahil ginagamit lang kayong panabing para lihim na makapagtayo ng ugnay laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayang Masbatenyo.
Kaugnay dito, muling nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mga Masbatenyo na patuloy niyong suportahan ang tunay na hukbong tapat na naglilingkod sa inyo para sa tuloy-tuloy na pagsulong nito hanggang sa ganap na tagumpay. Digmang bayan ang sagot tumitinding krisis sa lipunan Pilipino.
Samantala, namatay sa hospital sa lungsod ng Masbate ang apat pang mga sundalo na dinala kaninang umaga.
Mamamayang Masbatenyo at Pilipino, isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan, ang tunay na Suldados san Pobre!