Matagumpay na kilusang masa laban sa RCSP
Mataas na pagpupugay ang iginagawad ng Romulo Jallores Command (RJC-BHB Bikol) sa masang Bikolanong mapagpasyang humarap sa mga atake ng AFP-PNP-CAFGU at bumigo sa Retooled Community Support Program (RCSP) sa kani-kanilang mga komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, dalawang barangay sa Bikol ang matagumpay na nakapigil sa militarisasyon sa kanilang mga erya. Inspirasyon ang karanasang ito para sa iba pang baryong humaharap sa panghahalihaw ng militar at pulis. Lagi’t lagi, pinatutunayan ng karanasan at praktika ng masang Bikolano na ang pinakamalakas at pinakaepektibo nilang panangga mula sa pandarahas ng pasistang estado ay ang kanilang pagkakaisa at paglaban.
Maagap na linalabanan ng masang Bikolano ang paglusob ng militar at pulis sa kanilang mga baryo. Ang kanilang karanasan sa Special Operations Team (SOT), Peace and Development Teams (PDT) at iba pang mga nagdaang operasyong sibil-militar ng mga nakalipas na pasistang administrasyon ay puhunan para sa kanilang epektibong pagharap laban sa RCSP. Hanggang ngayon, hindi pa rin lumilipas ang kanilang pagngangalit sa pandarahas at panunupil ng mga ahente ng estado sa kanilang mga pamilya at kababaryo.
Sa iba pang prubinsya sa rehiyon, nagmumula sa masang anakpawis ang mga petisyong nagpapalayas sa militar. Kapugay-pugay din ang pagtindig at pagpapatunay ng mga tapat na lingkod-bayan na sibilyan ang mga residenteng pinararatangang NPA o tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan sa kanilang barangay. Mismong mga yunit ng militar at pulis na inatasang magsagawa ng operasyong RCSP ang nag-aalangan nang tumuloy sa mga komunidad kung saan sila ipinakat dahil alam nilang hindi sila susuportahan at tatanggapin ng taumbaryo. Sa lahat ng karanasan, kritikal ang naging papel at pamumuno ng Partido upang mapahigpit at mapataas ang kanilang kamulatan at antas ng paglaban.
Higit sa lahat, ang nagpapatuloy at lumalakas na suporta ng kilusang masa sa Bagong Hukbong Bayan ang patunay ng tiwala ng mamamayan sa katapatan ng Pulang hukbo na ipagtanggol ang hanay ng masang inaapi’t pinagsasamantalahan. Ang lahat ng tulong at pagtuwang ng masa sa Pulang hukbo ay mahalagang salik sa pagsulong ng rebolusyonaryong tunguhin.
Nananawagan ang RJC-BHB Bikol sa masang Bikolanong gamitin at ibayong palakasin ang kanilang pagkakaisa at paglaban upang mabigo ang mga operasyong RCSP. Makipagtulungan sa mga karatig baryo at bayan upang higit na mapatambol at mapalawak ang kampanya laban sa militarisasyon. Itambol ang mga paglabag sa karapatang tao sa bawat barangay at walang puknat na igiit ang katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo.
Higit sa lahat, suportahan at lumahok sa armadong pakikibaka. Hinihikayat ng RJC-BHB Bikol ang lahat ng nasa wastong edad, nasa maayos na pangangatawan at pag-iisip at handang magsilbi sa masang inaapi’t pinagsasamantalahang sumapi sa Pulang hukbo at maging bahagi ng pagpapalakas ng armadong pakikibaka. Sama-sama, kayang biguin ng mamamayang Pilipino hindi lamang ang RCSP kung hindi wasakin ang buong sistemang nagkakanlong sa mga pasista’t diktador.