Matibay Cement Factory at Coal Power Plant, sisira sa kalusugan at kabuhayan ng mamamayan ng Pio V. Corpus at Esperanza, at ng Masbatenyo — NPA-Masbate
Matagumpay na naipatupad ng isang commando team sa ilalim Jose Rapsing Command-BHB Masbate ang operasyong demolisyon sa Matibay Cement Factory at Coal Power Plant na matatagpuan sa Brgy. Casabangan, Pio V. Corpus na ikinawasak ng mga pangunahing kagamitan at ekwepo.
Alam namin na gagawin na naman ng kaaway ang maglubid ng kasinungalingan na ang pagpasabog sa mga kagamitan at edepesyo ng kumpanya ay dahil sa revolutionary tax. Ang rebolusyonaryong kilusan ay hindi nagtatakda ng buwis sa mga proyektong makasisira at makasasama sa kabuhayan at kalikasan
Ang operasyong demolisyon ay aksyong tugon ng rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Masbate alinsunod sa hinaing ng mga tao na direktang maaapektuhan ng operasyon ng pabrika ng semento. Daan-daang ektarya ng lupang sakahan at tirahan ang sisirain ng pabrika upang mapagkunan ng apog(limestone) na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng semento.
Maliban pa dito, ang mga alikabok na lilikhain ng pagbubungkal sa lupa ay magdudulot din ng polusyon sa mga karatig baryo na magiging sanhi ng paglaganap ng malulubhang sakit. Ganun din ang Coal Power Plant na siyang magpapatakbo sa mga ekwepo ay magbibigay ng matinding polusyon na may malawak na saklaw. Hindi lang tao ang mapipinsala ng pabrikang itatayo kundi maging mga puno, halaman, at lamang dagat ang mapapatay at mawawasak.
Labingisang(11) barangay na sakop ng mga bayan ng Pio V. Corpus at Esperanza ang direkta menteng sasakupin ng operasyon ng pabrika upang minahin ang nakaimbak na apog. Sa esensya daan-daang mamamayan ng nasabing mga baryo ang mawawalan ng karapatang makapagsaka at ng tirahan. Hindi ito makakatugon sa kahirapan ng mga naninirahan sa lugar bagkus dagdag pahirap pang lalo ang hatid ng pabrika.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, taong 2019 o bago ang eleksyon ay nagpasa ang bayan ng Pio V. Corpus ng resolusyon na nagbibigay pahintulot sa kumpanya ng MATIBAY na magtayo ng pabrika ng semento ganun din ang pagtatayo ng Coal Power Plant. Gamit na ang gasgas na “magbibigay trabaho” sa mga tao ay kabaligtaran ang nangyayari dahil libingan ang ibibigay ng kompanyang Matibay sa mga maaapektuhang tao. Kasaysayan na ang nagpapatotoo na sa bawat minahang itinatayo ay libo-libong mamamayan ang nawawalan ng kabuhayan at tirahan, bukod pa dito ang pagkasira ng kalikasan at mga sakit na pwedeng makuha.
Kabalintunaan ang pinagsasabi ng mga honorableng opisyal ng Pio V. Corpus na lilikha ng maraming trabaho sa kanilang bayan, ngunit kapalit naman nito ang pagkadisloka ng kabuahayan at tirahan at pagkasira ng kalikasan ng lugar.
Maraming mamamayan ng Pio V. Corpus at Esperanza ang tutol sa proyektong ito at handang lumaban para hadlangan ang operasyon ng kumpanya dahil alam nila na sila ang kagyat na maapektuhan sa hinaharap na panahon at ayaw nilang matulad sila sa Naga, Cebu na nagkaroon ng landslide dahil din sa ganitong proyekto, kung saan maraming namatay na tao at ayaw din nilang matulad sa bayan ng Aroroy, Masbate na maraming bundok na ang kinalburo ng Filmenera Resource Corp. dahil sa open pit mining.
Ang katulad nitong proyekto na ang mga nasa likod ay malalaking dayong kumpanya ay hindi alintana ang masisirang kabuhayan at kalikasan dahil wala naman sa kanilang bokabularyo ang interes ng mga taong maapektuhan at mawawasak na kabundukan at kadagatan. Isa itong uri ng developmental aggression na kung saan ang kapitalista at iilang taong may mga katungkulan ang nakikinabang kapalit ang pagdurusa ng mas nakakararami.
Maliban sa Matibay Cement Factory at Coal a Plant ay napipinto ding mawalan ng kabuhayan at tirahan ang mga magsasaka at mangingisda sa bayan ng Dimasalang at bahagi ng Palanas na pagtatayuan ng isang mega leisure project ng kumpanyang EMPARK. Aalisan nila ng karapatang mabuhay ang mga magsasaka at mangingisda na nakatira sa mga baryo ng Magcaraguit, T.R. Yangco, Cadulan, Divisoria, Dimasalang at katabing baryong sakop naman ng bayan ng Palanas.
Ang EMPARK na pagmamay-ari ni Huang Rolun ay kilalang malapit sa kasalukuyang pangulo na si Duterte at malalaking politiko dito sa Masbate. Kung kaya naman, masigasig ito na maipatupad ang kanyang proyekto dahil sa kapit nito sa mga opisyal, kahit pa maraming tao ang maaapektuhan. Ang mga pagsasanay pangkabuhayan na pinagkakaloob ng EMPARK sa mga tao ay wala namang kaugnayan sa kanilang negosyo kundi isa lamang itong palamuti at pampabango upang hikayatin ang mga tao na umayon sa kanilang proyekto kapalit ang pagkawala ng kanilang kabuhayan at tirahan
Handa ang rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Masbate na tulungan ang mga taong maaapektuhan ng mga proyektong makasisisra sa tao at kalikasan. Kaalisabay nito ay nananawagan ang Jose Rapsing Command –BHB Masbate sa lahat ng mamamayang Masbatenyo na may pagmamahal sa bayan at kalikasan na kumilos para tutulan at labanan ang mga proyektong sisira sa kabuhayan, tirahan at kapaligiran. Ito ay gagawin natin hindi para sa ating mga sarili kundi para sa mga darating pang henerasyon.
Isulong ang digmang bayan para hadlangan ang neo-liberal na proyekto sa lalawigan ng Masbate.
Mamamayang Masbatenyo sampa na sa Bagong Hukbong Bayan!
Rehimeng US/China- Duterte, Number 1 Terrorist!
AFP at PNP, bayarang berdugo!
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!