Mga barangay sa Moises Padilla at La Castellana sa NegOcc at Guihulngan City, NegOr, hinahalihaw ng militar

,

Dumating ang 2 ka reong truck sakay ang elemento ng mga militar sa ilalim ng 62nd Infantry Battalion Philippine Army, kasama si alyas “Banie” na BPAT sa So. Haroy, Brgy. Montilla, Moises Padilla bilang gabay sa operasyon ngayong alas 2:00 ng hapon sa Brgy. Puso, La Castellana, Negros Occidental.

Gayundin, nag-operasyon ang nasa 35 kasundaluhan sa So. Banderahan, Brgy. Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental. May operasyon din sa So. Tibobong, Brgy. Quintin Remo na hindi bababa sa 20 tropa ng kasundaluhan at Brgy. Macagahay, Moises Padilla, Negros Occidental.

Ngayong papalapit ang pasko at pagtitipon-tipon, nangangamba ang mga residente sa nasakupang lugar ng nasabing operasyon sapagkat nanatiling sariwa sa kanilang alaala ang paghahasik ng lagim ng composite operation ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) noong nagdaang Synchronized Enhance Managing of Police Operation (SEMPO), Disyembre 27, 2018 at Marso 30, 2019 na kumitil sa buhay ng 20 sibilyan at illegal na pag-aresto sa mahigit 50 katao na pinatawan ng gawa-gawang kaso.

Dinagdagan pa ng di makatarungang pamamaslang nina Dra. Mary Rose Sancelan at kanyang asawa na si Edwin Sancelan, at Israel Alsong na kapwa sakop ng Guihulngan City noong Disyembre 16, 2020.

Mga barangay sa Moises Padilla at La Castellana sa NegOcc at Guihulngan City, NegOr, hinahalihaw ng militar