Mga karaniwang tao ang target ng Anti-Terrorism Act of 2020

,

Mga pambansang minorya, isang senior citizen at isang buntis – iyan ang mga tinataguriang ‘terorista’ at banta sa pambansang seguridad ng rehimeng US-Duterte. Noong Disyembre 24, 2020, iligal na inaresto sina Enriqueta Guelas, 62 taong gulang at Elizabeth Estilon, 41 taong gulang sa Brgy. Lalod, Bulusan, Sorsogon. Nagdadalang-tao si Estilon nang sila ay ikulong. Silang dalawa ang pangalawang bats ng mga kinasuhan sa ilalim ng mabangis na Anti-Terrorism Act of 2020.

Ngunit ano nga ba ang dapat ikatakot ng mamamayan mula sa isang buntis at isang senior citizen? Dapat nga bang katakutan ni Duterte ang mga tulad nina Guelas at Estilon? Oo, tulad sila ng milyun-milyong karaniwang taong taglay ang soberano at makatwirang karapatang magpabagsak ng isang mapanupil na rehimen. Tulad sila ng milyun-milyong karaniwang taong mayroong kolektibong hangaring ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at kagalingan. Ang pagkaso kina Guelas at Estilon sa ilalim ng Anti-Terrorism Act (ATA) ay patunay na linikha ang batas hindi para labanan ang mga tunay na banta sa seguridad ng bansa, kung hindi para bigyang proteksyon ang diktaduryang Duterte mula sa lumalawak na kilusang anti-pasista. Tiyak ang pag-aresto at panghaharas sa karaniwang tao gamit ang ATA ay higit na magpapalawak sa kilusang anti-pasista at anti-diktadura sa bansa.

Lilipas ang iba’t ibang rehimeng bitbit ang kani-kanilang pangil ng panunupil, subalit hindi ang pagnanais ng pagbabago’t paglayang nasa kaibuturan ng isang lipunang mulat sa pangangailangan niyang lumaya. Habang patuloy na lumalakas ang paglaban ng mamamayan upang mapagbagsak ang rehimeng US-Duterte, marapat nang asahang higit ding aarangkada ang paggamit nito ng ATA 2020 laban sa masang inaapi’t pinagsasamantalahan. Binigkis ng iisang layuning lumaya mula sa pang-aapi at pasismo, maaasahan ng masang Bikolanong kailanma’y tutuwangan sila ng rebolusyonaryong kilusan sa pakikibaka para sa kanilang mga karapatan.

Palayain sina Enriqueta Guelas, Elizabeth Estilon at iba pang bilanggong pulitikal!
Ibasura at biguin ang ATA!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!

Mga karaniwang tao ang target ng Anti-Terrorism Act of 2020