Mga paglabag ng CSP sa Isabela
NPA-Isabela (Reynaldo Piñon Command) | Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command) | New People's Army
September 01, 2019
Mga paglabag ng CSP sa Isabela
Mula June 9, 2019, naghari ang awtoridad ng militar sa kanayunan ng Isabela sa ngalan ng Community Support Program o CSP. Sa pinagsanib na pwersa ng 95th IB, 17th IB, 86th IB, RPSB at Philippine Marines, pinaigting ang operasyong combat, peace and development teams (PDT) at operasyong psywar sa 15 barangay sa bayan ng San Mariano, 4 na brgy sa Benito Soliven at 3 brgy sa Ilagan City.
Sa loob ng 3 buwan, nakapagtala ang Reynaldo Pinon Command (RPC) ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng AFP:
1. Sapilitang pagpapasurender sa buo-buong komunidad sa lehitimong mga residente dahil inaakusahang mga kasapi ng MB at suporter ng NPA. Sapilitang inaakusahan at pinapaamin na kasapi ng Milisyang Bayan o MB ang mga lider at myembro ng DAGAMI Isabela, AMIHAN, Anakpawis at Kabataan Partylist. Ito ay pagkatapos ng panlilinlang na may listahan ng MB at supporter umano na nakuha sa mga labanan sa pagitan ng BHB at AFP. Tinatakot ang mga residente na kung hindi sila magsusurender ay kakasuhan at huhulihin sila at maikukulong sa loob ng 12 taon. Sapilitan silang pinapatawag sa barangay hall at i-interogahin at pagkatapos, papapuntahin sa Batallion headquarters upang “magpa-clear”. Nagpapapirma ng mga dokumentong hindi naiintindihan ng masa at walang abugado.
Sapilitang pagpapasurender sa mga senior citizen at isang paralisadong residente ng Brgy Gangalan. Monses…
Sapilitan ding pinasusurender muli ang pitong dati nang sumurender na kasapi ng BHB sa Brgy Buyasan, SMI. Tinatakot sila na kung hindi sila mag-“re-renew” ay “baka damputin” sila ng ibang tropa (ng AFP).
2. Malisyosong pag-aakusa sa mga karaniwang sibilyan sa isinasagawang mga aksyong militar ng BHB tulad ng disarma sa Sitio Lagis, Ilagan City. Malisyosong inakusahan ni Lt. Gladius Calilan, CO ng 95th IB, na si Eustaquio Alberto aka Takkoy, isang magsasaka at lehitimong residente ng Brgy Dibuluan SMI, ang umano’y namuno sa nasabing operasyon.
3 Pagpapalabas na MB ang nakalaban ng 95th IB sa mis-engkwentro noong April 20, 2019 sa Brgy Disulap.
4. 6 na kabahayan ang illegal na paghahalughog sa Sitio Old Nursery, Brgy Disulap. Chito Cathian, Noel Cabalonga, Recy Leal, Marlon Anog, Bal Domingo,
5. Illegal na inaresto at sinampahan ng gawa-gawang kaso ang 6 na magsasaka at residente ng Brgy Panninan SMI kabilang ang dating kapitan na si Espido Tamang. Ito ay matapos ang gawa-gawang labanan ng 95th IB sa pagitan ng Brgy Ibujan at Brgy Macayucayo.
Sinampahan din ng gawa-gawang kaso ang ilang brgy officials at residente ng Brgy Dibuluan dahil sila’y suporter umano ng BHB.
6. Pagkakampo sa mga sibilyang imprastraktura tulad ng barangay hall, eskwelahan, evacuation center at mismong kabahayan.
7. Sapilitang pagdi-ditine kay Susan Alberto na residente ng Brgy Dibuluan. Idinetine si Susan sa loob ng kampo ng 95th IB sa loob ng 3 araw at pilit na pinag-guide sa operasyon at ipinapaturo ang isang di umano’y imbak.
8. Walang habas na pamamaril sa bahay ni Gorio Velasco noong July 13, 2019, 10 pm. Si Velasco ay isang aktibong lider ng DAGAMI San Mariano. Si Gorio, na isang senior citizen, at si Robin, anak ni Gorio na menor de edad, ay kapwa inaakusahan na kasapi ng MB.
9. Pagtatakda ng curfew hours na 9pm sa Brgy Ibujan, SMI dahil ito ay kanilang oras ng pagpapatyulya.
10. Economic blockade o paglilimita sa pagpunta sa mga sakahan sa bgry Dibuluan, Ibujan, Buyasan, Panninan.
11. Talamak na pagpapainom at inuman sa baryo.
12. Pagkakalat ng mga basura sa kanilang himpilan sa community center at barangay hall.
13. Pambabastos sa kababaihan sa Brgy Gangalan at panliligaw sa mga kababaihan sa Brgy Dibuluan.
Mga paglabag ng CSP sa Isabela