Militarisasyon at Pandarahas sa mga Magsasaka sa Negros Oriental, Mahigpit na Kinokondena ng LPC-NPA
Mahigpit na kinokondena ng LPC-NPA ang malalang militarisasyon at panghahabol sa mga inosenteng sibilyan sa patuloy na SEMPO/Oplan Sauron ng AFP, PNP at Duterte Death Squad sa Negros Oriental.
Pebrero 24, 2019 alas 3:00 ng madaling-araw, ang walang-awang pagsunog ng bahay ni Tisoy Pasinabo sa sityo Panagtugas, Trinidad, Guihulngan City. Ang pamilya ni Tisoy Pasinabo isa sa 20 pamilya na 87 na indibidwal na nagbakwit noong Enero 28, 2019 mula sa kanilang lugar patungong sa Roman Catholic Bishop’s House sa San Carlos City, Negros Occidental. Napilitan silang nagbakwit bunga ng sobrang takot at walang kaseguruhan ang kanilang buhay at kabuhayan dahil ng marahas na SEMPO/Oplan Sauron ng AFP, PNP-PRO7, force multipliers na BPAT, Civil Defense ng Moises Padilla, Negros Occidental at Duterte Death Squad sa dikta ng AFP CentCom noong Disyembre 27, 2018 at patuloy pang militarisasyon sa sakop ng Guihulngan.
Sinunog ng pinapaniwalaang mga kasapi ng 94th IBPA ang bahay ni Tisoy Pasinabo matapos na pinaasa at pinabalik sila ni Vice Mayor Ernesto Reyes sa Guihulngan City, Spo4 Zaldy Delara kag Fr. Edwin Laude sang Social Action Center-Diocese of San Carlos sa kanilang lugar noong Pebrero 7, 2019 sa pagpaseguro ng kanilang seguridad. Resulta din ito ng naganap na dialogue noong Pebrero 4, 2019 sa San Carlos City sa pagitan ng 5 pari ng Diocese of San Carlos sa pangunguna ni Fr. Edwin Laude, Vice Mayor Ernesto Reyes ng Guihulngan, 3 kapulisan ng Giuhulngan sa pangunguna ni SPO4 Zaldy Delara, Brgy Captain Melbourne Bustamante ng Trinidad, Guihulngan at representante ng mga biktima kasama sa KAUGMAON/Hustisya Guihulngan Chapter.
Mula noong Disyembre 27, 2018 hanggang Pebrero 6, 2019, ang Oplan Sauron/SEMPO ng AFP, PNP at Duterte Death Squad patuloy na nag-ooperate sa Guihulngan. Nagresulta ito lahat ng pamamaslang sa 6 na sibilyan kagaya nila Reneboy Pat, Jimmy Pat, Jimmy Revilla, Jun Kubol at iba pa. Mahigit sa 56 na bahay na niransak, 45 na indibidwal na hinahabol sa planted at pekeng warrant of arrests sa gawa-gawang kaso, nagdisloka ng 940 na indibidwal sa loob ng 188 households, marami ng kagamitan at libu-libong pera ng mga residente ang ninakaw at marami rin ng mga kabataan at kabataang estudyante sa baryo ang tumigil sa kanilang pag-aaral. Sa 33 na baryo na sakop ng Guihulngan, halos 9 nito sa mga baryo ang lubos na naapektuhan.
Lubos ding kinokondena ng NPA ang illegal na pag-aresto ng combined forces ng 94th IBPA, CIDG at SAF-PNP sa gawa-gawang kaso na “illegal possession of firearms” sa planted na 45 cal. pistol sa mag-amang Guillermo Casipong Sr., 62 taong gulang at 2 mga anak nito na sina Jerome Casipong, 29 ang edad at Guillermo Casipong Jr noong Pebrero 22, 2019 alas 2:00 ng madaling-araw sa sityo Tabalogo, Brgy Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental. Pilit na pinalabas sa kaniyang tirahan si Emilio Mahinay at tinutukan ng armas ang ulo nito ng mga kasapi ng 94th IBPA habang inimbestiga. Kasabay din nito ang illegal na pag-aresto kay Francing Maribong ng nasabing lugar. Agad silang dinala sa costudial facility ng Canlaon City Police Station. Pinalabas agad si Emilio Mahinay, Guillermo Casipong Jr. at Jerome Casipong dahil walang karampatang ebidensya. Habang nagadurusa sa piitan sila Francing Maribong at Guillermo Casipong sa illegal possession of firearms na kaso mula tinanim na armas sa kanila ng 94th IBPA, CIDG at SAF-PNP.
Ang nasabing ilegal na pag-aresto pinamunuan ni PS/Insp. Ruben E. Verbo Jr. at PO1 Ronnel Caisio dala ang pekeng warrant of arrest na pirmado ni presiding judge Mario Trinidad na ang armas nakatatak .357 ngunit ang nakuha planted na 45 cal. pistol.
Dagdag naman ito sa mahaba nang listahan ng walang-habas na human rights violations, paglabag sa CARHRIHL at umigting ns militarisasyon ng state security forces laluna ng 94th IB, 62nd IBPA at SAF-PNP sa Central Negros ilalim sa marahas na SEMPO/Oplan Sauron ng US-Duterte na rehimen.