Militarisasyon sa Central Negros, Lumalaganap
Sinakop ng operasyon militar ng mga tropa ng 94th IBPA at 62nd IB apat na araw ngayon mula pebrero 14 ang mga baranggay sakop ng Magallon at Guihulngan City.
Pebrero 17, 2019 nagkampo ang mga nasabing tropa sa paaralang
elementarya, sa tabuan (pamilihan ng mga residente sa lugar), ng Sityo Agogolo, gayundin sa So. Baryo-daan kapwa sakop ng Brgy. Montilla. Hanggang sa kasalukuyan napanatili parin ang mga presensya ng militar sa mga Baranggay ng Macagahay na nananatili sa Brgy. Hall. Habang may nagkakampo rin sa kabahayan sa So. Enarawes, So. Kansemba, So. Tibobong
kapwa sakop ng Brgy. Quinten Remo, Magallon, Negros Occidental. May naiulat ring mga presensya ng militar sa Brgy. Sandayao, Guihulngan City, Negros Oriental.
Kinokondena ng mga residente ang lumalaganap na militarisasyon dahil nagdulot ito ng pangamba, pinsala sa kanilang kabuhayan sa pagsasaka dahil sa takot, pag-aaral ng mga kabataan, at mapayapang pamumuhay ng mga residente sa kani-kanilang lugar.
Pinapanawagan na pagtibayin ang nagkakaisang hanay at labanan ang tiraniya at pasistang pang-aatake ng rehimeng US-DUTERTE.
Biguin ang Oplan Kapayapaan at patalisikin ang militaristang pangulo na si Duterte.
Antabayanan ang mga updates sa mga kaganapan.