National Youth Commission Chair, Mapanghati at Mapanlinlang!
“Malinaw na hindi kabisado ni Chairman Ronald Gian Carlo
Tila walang ipinagkaiba si Cardema kay Duterte sa oryentasyon nito sa mga kabataang kasapi ng SK. Dagdag pa nya, gamitin diumano ng mga kabataan ang kanilang posisyon upang oryentasyunan at mobilisahin ang lahat ng kabataan at makipagtulungan sa gubyerno at tropa nito.
Ibinubuyo ni Cardema ang mga kabataan bilang obligasyon nito na labanan ang rebolusyonayong kilusan kapalit ang “kaunlaran” ng mamamayan . Para sa kanya, ang magsilbi bilang espiya laban sa kilusan at dakilang tagapagtanggol ng pasismo at kainutilan ng papet at diktador na rehimeng US-Duterte ay syang esenya ng diwang makabayan at lubos na pagmamahal sa bayan.
Ginamit pa nito ang salitang “esensya ng pagmamahal sa bayan” sa hungkag at walang laman niyang kahulugan.
Kaya nya bang maunawaan na ang kabataan sa kanayunan sa murang edad pa lamang ay batak na sa trabaho sa bukid upang magkaroon sila ng pantawid-gutom sa araw-araw? Dahil ang kanyang magulang ay walang sariling lupang sinasaka? Mawa
Bakit kaya hindi niya unahing bigyan ng libreng edukasyon ang lahat ng kasapi ng SK at gamitin ang kanyang posisyon upang kahit paano ay mabawasan ang mga estudyanteng dumadaing sa taas ng matrikula, bayarin sa eskwelahan at pamasahe. Bakit hindi niya gamitin ang kanyang posisyon upang tanggalin ang dagdag na Kto12 na programang nagpapahirap sa mga magulang samantalang wala naman itong malinaw na kurikulum?
Walang alam si Cardema kung ano at sino ang tunay na makabayan. Ang bawat Pulang mandirigma na sumasampa sa NPA ay malinaw ang dahilan kung para kanino sila naglilingkod at bakit naghihirap ang sambayanang Pilipino. Kabisado nila na ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at paramilitar nitong CAFGU ay tagapagtanggol ng naghaharing uri. Unawa nila na ang katulad ni Duterte’ng nagwawasiwas ng paglaban sa korapsyon ay kasalungat nito. Kaya nilang isa-isahin ang kanyang mga paglabag sa karapatang-tao. Bilang na bilang nila ang mga magsasakang kanyang pinaslang gamit ang kanyang mga death squad. Alam din nila na kapag nagbandila ka ng paglaban para sa kagalingan ng mamamayan ikaw ay magiging kabilang sa “crackdown” at “red-tagging” ng gubyerno.
Si Cardema ay dating namuno sa Duterte Youth and the Kabataan for Bongbong Movement at dating lider ng Duterte Youth Movement. Hindi malayong ang kanyang kaisipan ay kaisipan din ng isang pasista at bilang namumuno sa NYC, garapal itong sumasahod mula sa buwis ng mamamayan habang nanghahati ng pagkakaisa ng maraming kabataan Pilipino.
Ayon pa kay Guerrero , dapat higit pang paramihin ng mga Kabataang Makabayan (KM) ang kasapian ng kanilang organisas