NDF-Bicol sa paggunita ng Filipino-American Friendship Day
IMPERYALISMO, IBAGSAK! Pitumpu’t anim na taon nang pinagdurusahan ng bansang Pilipinas ang pagiging malakolonya ng Estados Unidos. Nananatiling bansot, atrasado at hindi industriyalisado ang bansa dahil sa pagkakatali sa dikta at kontrol ng naturang imperyalistang bansa. Ngayon, ilinalagay ng US sa ibayo pang panganib ang soberanya at patrimonya ng bansa sa West Philippine Sea dulot ng mga hungkag na tratadong militar habang itinutulak ang pagbabago ng Konstitusyon para tuluyang pag-arian ang ekonomya ng bansa.Nananawagan ang NDF-Bikol sa sambayanang Pilipino na makipagkapit-bisig sa lahat ng uring anakpawis sa loob ng US. Sama-samang itakwil at labanan ang paghahari ng sistemang monopolyo kapitalismo. Panahon na upang wakasan ang lahat ng uri ng pang-aapi at pagsasamantala.