NDF-Palawan: Taas – kamaong pagbati sa Bienvenido Vallever Command – NPA-Palawan sa back to back na tagumpay sa inilunsad na taktikal na opensiba!
Buong galak at pulang pagsaludo mga kasama! Ipinararating ang pagbati ng NDFP-Isla ng Palawan sa mga pulang mandirigma ng Bienvenido Vallever Command na buong giting na isinakatuparan ang kanyang tungkulin na maglunsad ng taktikal na opensiba na dudurog sa mga ahente at pasistang AFP/PNP ng Rehimeng US-Duterte at Jose Chavez Alvarez.
Sa dalawang ambush na isinagawa nito, una nuong Hulyo 12, ang ambush kay Capt. Erwin Carandang na hepe ng Munisipyo ng Dumaran. At ikalawa, kinabukasan Hulyo 13, ang ambush sa mga teroristang elemento ng 3rd Marine Battalion Landing Team (3rd MBLT) na ikinasawi ni Pfc. Cristian Cuatro at 3 pa na nasugatan na sina Cpl. Remuel Redondo, Cpl. Charlie Carorocan, at Pfc. Marlon Escobar Jr. Nangyari ito sa iisang lugar sa sityo Ebangley, Brgy. Abongan ng bayan ng Taytay. Kahanga-hanga ang giting, determinasyon at mahusay na pagplano na ipinakita ng mga pulang mandirigma na walang pag-aalinlangang isinagawa ang taktikal na opensiba.
Tunay na nais nating ibigay ang tagumpay sa mamamayang Palaweño na lubos na nagdarahop sa kahirapan at pagsasamantala. Nagpapasalamat ang CPP-NPA-NDFP sa malalim na suportang masa at walang maliw na pagmamahal at pagtataguyod sa rebolusyonaryong kilusan.
Lantad naman ang kasingulingan at paratang ni Winston Arzaga at ng spokesperson ng 3rd MBLT na Capt. Orchie Bobis na pilit na pinagtatakpan ang kanilang kahihiyan at arogansya. Panay ang dakdak nito ngayon at sinasabing “ayaw ng NPA ng kapayapan.” Sa tiyak mas nagpapatunay ang pangyayari ito ng kabiguan ng EO70, ng PTF-ELCAC at ng PLEDS at ng kanilang araw-araw na pahayag na madudurog ang CPP-NPA-NDFP. Nahihibang ito sa mga pahayag at hindi nakikita ang tunay at aping kalagayan ng masa sa Palawan na siyang ugat ng armadong tunggalian. May kapayapaan ba kung inaagaw sa masang api ang lupa at kabuhayan ng mga ganid at mapagsamantalang dayuhang kapitalista, panginoong maylupa at lokal na burukrata? Hindi ba’t ang mga sundalo ang nasa unahan tuwing papalayasin ang masa sa kanilang lupain at kabuhayan?
Ilusyunado ito at malaking kalokohan, alam ng lahat lalo na sa bayan ng Taytay na hindi kailanman natugunan ni Duterte o ni Alvarez ang dinadaing ng mamamayang Palaweño. Nananatiling hindi nababasura ang batas na Provincial Council for Sustainable Development Administrative Order No. 5 o PCSD AO5 na matagal ng nagpapahirap sa mga mangingisda.
Hanggang ngayon deka-dekada nang nanawagan ng tunay na reporma sa lupa ang mga magsasaka sa Lupang Pujalte na inaagaw ng kompanyang GUEVENT. Walang natamo ang masang magsasaka dito kundi ang terorismo ng ng PTF-ELCAC at JTFP.
Sa isla ng Paly, Setyembre 2019 pa nang unang pumakat ang 3rd MBLT at nagsasagawa dito ng Retooled Community Support Program at tulad sa mga magsasaka ng Lupang Pujalte ay pinaghuhuli, pinasurender at sapilitang pinaamin na miyembro ng NPA. Nasa bilangguan ngayon ang maraming magsasakang nakibaka sa kabuhayan at karapatan sa lupa. Kaya tunay na hibang ang nagsasabi na makakuha ng suporta ang PTF-ELCAC at JTFP mula sa mga masa ng Taytay na dumanas ng matinding karahasan at panlilinlang mula sa kanila.
Sa katunayan nga, naghuhuramentado ang nag-ooperasyong mga sundalo sa ibat ibang mga barangay at sapilitiang pinababa ang masa sa kanilang mga bahay sa kabundukan. Tiyak ihahasik ng mga ito ang pasismo at terorismo at pagbabalingan ng galit ang masa. Sino ngayon ang tunay na Terorista sa mamamayan?
Muli, maraming salamat sa ibinibigay na maiinit na suporta at pagmamahal ng mamamayan sa rebolusyonaryong kilusan. Ang krisis na nararanasan ng mamamayang Palaweño ay naglalantad ng kanutilan ng teroristang gubyernong Duterte. Pinatitibay nito ang pagiging makatarungan ng rebolusyon upang makamit ang malaya, maunlad, may pagkakapantay-pantay at makatarungan lipunan na nilalayong itatag ng CPP-NPA-NDFP sa Pilipinas.
Mahalaga ang gagampanang papel ng New Peoples Army upang durugin ang kapangyarihan ng mga naghaharing-uri sa lipunang Pilipino—ang malalaking kumprador-panginoong maylupa at mga burukratang kapitalista nakaluklok sa gubyerno—na pahirap at nagpapasasa sa yamang likha ng masang anakpawis sampu ng mga armadong pwersa na nagtatanggol sa bulok na estado sa Pilipinas.
Parusahan ang mga pasistang pahirap sa masa!
Sumapi sa NPA!
Digmang Bayan, Sagot sa Kahirapan!
Mabuhay ang demokratikong rebolusyong bayan!
MABUHAY ANG CPP-NPA-NDFP!