NPA-Mindoro pinatamaan ang 203rd Brigade, isa ang patay sa 203rd-RCSP-Unit sa Brgy. Malu, Bansud
Matagumpay na naisagawa ng isang yunit ng LdGC ang operasyong kumando laban sa pwersang RCSP ng 203rd Brigade sa Brgy. Malu, Bansud, Oriental Mindoro noong Marso 28, ganap na 6:13 ng gabi. Isa ang patay sa laking platung kaaway na ilang linggo ng nanliligalig sa lugar.
Lingid sa kaaway, nakalapit ng 10 metro ang isang tim ng LdGC-NPA-Mindoro sa pwesto ng yunit RCSP bago ito pinutukan. Sa katarantahan ng mga pasista, walang patumangga silang nagpaputok ng walang direksyon. Lihim at ligtas namang nakaatras ang tim ng LdGC na nagsagawa ng operasyon.
Pamamarusa ito sa mga pwersa ng 203rd Brigade sa walang habas na pambobomba sa mga katutubo at magsasaka sa Roxas at Mansalay, Oriental Mindoro noong Marso 25 hanggang Marso 26. Naging dahilan ito upang lumikas ang libu-libong residente ng nasabing lugar at matigil ang kanilang pagkakaingin at pagsasaka. Hinahalihaw ang mga komunidad ng mga magsasaka ng pasistang pwersa ng 203rd Brigade at sapilitang tinipon sa sityo Tauga, San Vicente, Roxas ang mga residente. Sapilitan ang mga itong pinasusuko bilang mga myembro ng NPA. Hanggang sa oras na ito, nananatiling nakapwesto ang kanyong howitzer sa Tauga, San Vicente, Roxas.
Asahan ng mga Mindoreño at sambayanang Pilipino na hindi titigil ang LdGC-NPA-Mindoro na tugunin ang sigaw sa hustisya ng mga mamamayang biktima ng ala-tokhang na mga EJK, mga pambobomba’t iba pang tipo ng pandarahas ng rehimeng Duterte. Tutupdin ng NPA ang sagradong tungkulin nitong ipagtanggol ang aping mamamayan laban sa teroristang rehimeng Duterte at ipaglaban ang pambansa-demokratikong interes ng sambayanang Pilipino hanggang sa ganap na tagumpay.