NPA-ST: Sa gitna ng krisis ng Covid-19, kundenahin ang atake ng 203rd Brigade sa NPA-Mindoro
Mariing kinukundena ng Melito Glor Command — NPA Southern Tagalog ang di-makatao at walang pusong pag-atakeng 203rd Brigade sa isang yunit ng Lucio de Guzman Command (LdGC) — NPA Mindoro noong April 30 alas 9:30 ng umaga. Ang inatakeng yunit ng LdGC ay nagsasagawa ng isang malawakang kampanya kontra-Covid sa katutubong mamamayan ng Bongabong, Oriental Mindoro. Tiyak na dagdag pahirap sa masang nagugutom na dahil sa lockdown ang walang tigil na pursuit operations na ikinasa ng berdugo at pasistang 203rd Brigade matapos ang labanan.
Magiting na nilabanan ng yunit ng LdGC ang tusong 203rd Brigade na ilang araw nang namonitor ng mga kasama sa erya. Nagpakita ang NPA Mindoro ng pinakamataas na pagtitimpi sa AFP-PNP alang-alang sa pagtalima sa itinakdang ceasefire ng CPP hanggang April 30. Salungat dito, ang teroristang AFP-PNP ay tuluy-tuloy na nagsasagawa ng mga operasyong militar at pulis at naglalaan ng bilyun-bilyong pondo para tugisin ang mga yunit ng NPA matupad lang ang hibang na pangarap ni Duterte na tapusin ang rebolusyonaryong kilusan sa kanyang termino. Galit na galit na ang mamamayan sa rehimen na tunay na terorista at salot sa bayan.
Wala sa prayoridad ng rehimen ang paglutas sa krisis ng Covid-19 dahil nauulol na ito sa hangarin nitong manatili sa pwesto lagpas sa 2022 at lipulin ang rebolusyonaryong kilusan gamit ang NTF-ELCAC. Dapat sampahan ng kaso ang rehimeng Duterte at AFP-PNPsa inihahasik nitong karahasan sa gitna ng krisis ng Covid-1 at pagpapabaya nito sa pangangailangang pangkalusugan at sosyo-ekonomiko ng mamamayan.
Samantalang naghihirap ang komunidad ng mga Mangyan na apektado ng labanan, nagyayabang ang 203rd Brigade at SOLCOM na nareyd nila ang diumano’y panrehiyong himpilan ng NPA. Isa itong mslaking kasinungalingan na ginagamit para pataasin ang moral ng mga tropa ng AFP-PNP na demoralisado sa kahayupang pinipilit ipagawa sa kanila ng rehimen sa gitna ng pampublikong krisis pangkalusugan. Hindi makatwiran ang pag-atake sa anumang yunit ng NPA sa panahong ito, at nababatid ito ng ga naliliwanagang sundalo’t pulis na laspag na sa kontra-rebolusyonaryong gera ng rehimeng US-Duterte.
Sa harap ng kahayupan ng AFP-PNP at papalaking banta ng pagpapalaganap ng Covid-19, patuloy na tutugunan ng lahat ng yunit ng NPA-ST ang tungkulin nitong maglingkod sa mamamayan at isulong ang demokratikong rebolusyong bayan. Habang naglulunsad ng mga gawain hinggil sa Covid-19 ay parurusahan din ng NPA-ST ang mga tropang militar at pulis na patuloy sa paghahasik ng teror sa mamamayan. Gagawaran ng rebolusyonaryong hustisya ang rehimeng US-Duterte at lahat ng instrumento nito sa lahat ng krimen at terorismo nito laban sa mamamayan. Determinado ang NPA-ST na biguin ang JCP-Kapanatagan at paigtingin ang armadong pakikibaka hanggang sa maibagsak ang bulok at berdugong rehimeng US-Duterte.###